Quantcast
Channel: filipino – Pinoy Transplant in Iowa
Viewing all articles
Browse latest Browse all 317

Tag-sibol

$
0
0

May bagong himig ang hanging umiihip,

Pakingan ang awit ng ibon sa himpapawid,

Tunaw na ang niebeng, bumalot sa ‘ting paligid,

Lumisan na ang marahas na tag-lamig.

 

Magbunyi o lupa, tag-sibol ay salubungin,

Gisingin ang mga binhi, sa iyo’y nakahimbing,

Iluwal ang mga talulot sa iyong sinapupunan,

Iwagayway ang mga bubot na dahong luntian.

 

Bangon na mga natutulog na kaluluwa,

Nalibing na mga pangarap hayaang lumaya,

Ating iwaksi mga agiw ng pag-aalala,

Panahon nang pausbungin, ang bagong pag-asa.

IMG_2103

bagong sibol na bulakak sa aming harapan



Viewing all articles
Browse latest Browse all 317

Trending Articles