Quantcast
Channel: filipino – Pinoy Transplant in Iowa
Viewing all articles
Browse latest Browse all 317

Sa Iyong Paglisan

$
0
0

Akala ko’y hindi ka na kailangang lumisan,

Akala ko’y hindi mo na ako iiwan,

Akala ko’y nandito na lahat ng ‘yong kailangan,

Nguni’t meron pa rin pa lang kulang.

 

Tanggap kong nag-iiba ang iyong pangangailangan,

Kahit hindi ko man lubos na maintindihan,

Nguni’t tunay na pag-ibig ay hindi hahadlang,

Ang pag-alis mo ay hindi ko pipigilan.

 

Akin lamang pakiusap na iyong tatandaan,

Na narito lang ako at sa iyo’y nag-aabang,

Sige na, humayo ka nang mag-shopping,

Basta pasalubong ko’y aking hihintayin.

 



Viewing all articles
Browse latest Browse all 317

Trending Articles