Salamat kaibigan,
Sa iyong katangahan,
Kahit iyong pagtitiwala,
Ay aking yinurakan.
Salamat kaibigan,
Kayo ang aking sandigan,
Inyong mga bulsa,
Aking dinudukutan.
Salamat kaibigan,
Kayo’y aking kalakasan,
Kayo din ang sanhi,
Ng aking kayamanan.
Salamat kaibigan,
Laging tatandaan,
Ako’y may katanyagan,
Dahil sa iyong kabobohan.
Salamat kaibigan,
Di ko kayo malilimutan,
Kayo’y aking babalikan,
Kung ako’y inyong pagbibigyan.
(*privilege speech, or can be set in music and video as privilege song)
