Quantcast
Channel: filipino – Pinoy Transplant in Iowa
Viewing all 320 articles
Browse latest View live

Doorhenge

$
0
0

If you live near the equator, the time of the sunrise is almost the same throughout the year. When I was living in Manila, the earliest sunrise is about 5:30 in the morning, and the latest will be at 6:30. The more distance you live above or below the equator, the more the difference in the times of sunrises and sunsets through the year.

Where I live now here in Iowa, the earliest sunrise is at 4:40 (Standard time) in June, but due to Daylight Saving Time from March to November, so the adjusted time is 5:40 in the morning. We have about 15 hours of daylight at this time. Then the latest sunrise is at 7:40 in December, and have only 9 hours of daylight.

Have you also noticed that the sunrises and sunsets are not in the same spot on the horizon all year? This is due to the tilt of the Earth’s axis of rotation, which is tilted at an angle of 23.5 degrees (sorry, I’m such a nerd). As a result, at some points in the orbit of Earth, the north pole is tilted towards the sun, and at other points it is tilted away from the sun, making the location of sunrises and sunsets different depending on the time of year.

By the way, that specific tilt of 23.5 degrees of Earth is also the reason for the different seasons of the year. But that is a subject of discussion perhaps for another time.

With regards to viewing sunrises, one enigma of our civilization is the ancient structure, the Stonehenge. One theory is that it was built as a celestial observatory. Though it could be an altar or some kind of sacred monument as well. In any case, it is built to have been perfectly arranged to face the midsummer sunrise, and midwinter sunset. So if you stand in just the right place inside the Stonehenge monument on the day of the northern summer solstice, you’ll see the sunrise align through those pillars.

A similar phenomenon also happens in New York City, when the setting of the sun aligns perfectly with the grid-pattern streets of Manhattan, which happens twice a year, typically in May and July. This is also known as the Manhattanhenge.

Interestingly, I have a similar event in my house here in Iowa. That is on a certain time of the year, the sunrise perfectly aligns with my front door and shines directly through the corridor and into our living room.

IMG_4954

When this happen, I know that we are halfway between the spring equinox and summer solstice. Or this is just time to let the sunshine in and start a new day.

Have a good day everyone!

(*photo taken last weekend with an iPhone)

 

 

 



Hagibis

$
0
0

Ako’y tumakbo kaninang umaga,

Sa amin dito sa Iowa,

Habang humahangos sa daan,

Ay aking pinakikinggan,

Maiingay na halakhak,

Ng mga ibong taratitat,

At sa aking paghingal,

Aking namang nalalanghap,

Ang mabangong halimuyak,

Ng mga bulaklak ng lilac.

Pero miss na miss ko na,

Mag-jogging sa Maynila,

Kung saan naghaharana,

Mga traysikel na umaarangkada,

At aking muling masasanghap,

Usok ng tambutsong kay sarap,

At takbo ko’y lalong bumibilis,

Parang anak ni Hagibis,

Dahil ako’y hinahabol,

Ng mga asong nauulol.

(*Hagibis means speed in Tagalog, it is also a Filipino comics hero, and the name of an all-male pop group.)

 


Hamog

$
0
0

Parang kumot na sumusuklob sa damong giniginaw,

IMG_5015

O makapal na balabal na bumabalot sa paligid kong tanaw,

IMG_5017

At parang kurtinang tumatabing sa araw na sumisilaw,

IMG_5027

Ang mga ulap na humahalik sa lupa at nanliligaw,

IMG_5022

Gaya ng pag-ibig na tila hamog sa pusong nauuhaw.

IMG_5016

(*photos taken with an iPhone during my morning run)

*******

Post Note: since a reader asked, here’s the English translation for my non-Filipino readers and followers:

Dew
Like a blanket that covers the shivering grass,
Or a heavy cloak that the surrounding it wraps,
Or like a curtain that veils the sun’s glare,
Are the clouds that court and kiss the earth,
Just like love is like the dew to hearts that thirst.

 


Oh My Gulay!

$
0
0

The Filipino language is rich in interesting idioms and expressions, that make our conversations more colorful. Like the expression, “isang bulate na lang ang hindi pumipirma,” which means near-death condition. It definitely sounds light-hearted on an otherwise grave predicament.

Anyways, since it’s summer here where I live, and we have planted some vegetables, I would like to showcase our use of vegetables (gulay) in our idioms and expressions, and their respective meaning.

1. Nagmumurang kamias.

This means an “old” individual acting like “young.” For instance, a grandma trying to dress-up like a teenager, perhaps with a hanging shirt and short mini-skirt. In other words, it is used to describe people who are not acting appropriately their age.

Example: Pare, ‘yung lolo mo nagmumurang kamyas, niyaya ba namang i-date niya ‘yung pinsan kong kolehiyala.

2. Pulis Patola

The term means a good-for-nothing cop. I think the term is use, as policeman usually carry a baton (batuta). But here it is described as the police carrying a patola instead of a baton. There’s even an action-comedy movie with that title in the 1990’s.

The expression of “sundalong-kanin” have a similar connotation, a useless soldier whose only contribution in the battle is to consume the rice ration.

Example: Sabi ni General Bato, ititiwalag niya lahat ng mga Pulis Patola.

3. Nangangamatis

This term is used to describe something that is swelled up and inflamed, like a tomato that is plump and red. But mostly the term is reserved for a complication after a boy’s circumcision. Definitely you don’t want that term to describe the you-know-what after being circumcised.

Example: Hijo, pagkatapus mong tuliin, langgasin mo araw-araw, para hindi mangamatis.

4. Nangangamote

Nangangamote means having difficulty or failing to do well. We also use the term kamote to describe somebody who is dim-wit or unintelligent. For sure, you don’t want to be called anak ng kamote. You don’t want to receive the kalabasa award either.

I am not sure why we use kamote as a derogatory term. Kamote for all I know is a highly nutritious food and don’t deserve to be treated with disdain.

Example: Nangamote ka naman sa exam, mas bobo ka pa sa row 4.

5. Mani-mani lang

This term is the opposite of nangangamote. Mani-mani lang means it was so easy that you breezed through it whatever it was. Again, I don’t know why we favor mani (peanut), but hate kamote.

Mani is also used as a slang term for a female’s anatomy. Yes, the counterpart of that thing I mentioned above that can become nangangamatis.

Example: Mana sa akin sa pagka-genius ‘yung pamangkin ko, kasi minani-mani lang niya ang Quantum Physics.

6. Giyera Patani

This is an old expression that means a fight or an argument without causing serious harm or consequences. As you know, a patani (lima bean), is a pod vegetable that has lightweight seeds. And even if you hit somebody with these seeds, it will not cause grave injury.

Example: Hanggang giyera patani lang naman ang away namin ng misis ko.

7. Pupulutin sa kangkungan

This term means a summary execution without having a trial. In other words it is extra judicial killing (EJK), which nowadays is a very hot topic of contention. The origin of the expression is that one way of hiding a “salvage” victim’s body is to dump it in the swamps or where there’s a heavy growth of kangkong (swamp cabbage).

Example: Kung hindi ka tumigil sa pagiging addict, baka pupulutin ka na lang sa kangkungan balang araw.

8. Mala-labanos ang kutis

This expression is comparing the complexion of someone’s skin to be like labanos (horse-radish), which is white and smooth. I am not sure though why we who are supposed to be proud to be lahing kayumanggi are so pre-occupied and trying so hard to be “white.” Just look around and we are so inundated with all those advertisements of whitening products.

Example: Gumagamit kasi ako ng mga Belo products kaya’t mala-labanos na ang kutis ko ngayon.

9. Parang luya

Unlike the expression mala-labanos which is mostly deemed as a compliment, the expression parang luya is far from being one. In fact it is an insult. The term is usually used to describe an ugly feet. This is due to the fact that luya (ginger) has crooked and contorted branching fingers.

Example: Kahit anong pa-pedicure mo, parang luya pa rin ang mga paa mo.

10. Balat-sibuyas

This term is used to describe a person that is easily hurt or sensitive to criticisms. This idiom is due to the fact that the onion has very thin skin. I am not sure if the added fact that peeling and cutting onion makes one cry, contributes to the meaning of the term.

Example: Balat-sibuyas naman itong si Dagul, sinabihan lang na malakas pa siya sa balyena kung kumain, ay umiyak na.

*******

That’s all for now folks. I know there’s still a lot of vegetables mentioned in the song Bahay Kubo that we have not covered here. So if you know more vegetable expressions, please drop me a comment. Thank you for reading.

 


Doctor, Doctor, I am Sick

$
0
0

Sa isang Health Center sa maliit na barrio sa Pilipinas……

Pasyente: Doc, sumasakit po ang mata ko.

Duktor: Paanong sakit?

Pasyente: Para po siyang tinusok.

Duktor: Ah ganoon ba? Kailan pa iyan?

Pasyente: Doc, tuwing umiinom po ako ng maiinit na kape.

Duktor: Eh kapag umiinom ka ng malamig na tubig? Sumasakit din ba ang mata mo?

Pasyente: Hindi naman po.

Duktor: Kapag umiinom ka ng soft drink? O kaya ng beer?

Pasyente: Hindi rin po.

Pinagmasdan ng duktor ang pasyente, at nakitang may parang bugbog sa talukap ng mata ang pasyente.

Duktor: Alam ko na ang sanhi ng pananakit ng mata mo. Madali lang din ang solusyon sa problema mo.

Pasyente: Talaga po? Ano po iyon?

Duktor: Bago mo higupin ang kape mo, ay tanggalin mo muna ang kutsara sa tasa, para hindi matusok ang iyong mata.

********

Susunod na pasyente……

Duktor: Napabalik ka? Mabisa ba yung nireseta kong gamot sa iyo?

Pasyente: Kaya nga po ako bumalik Doc, kasi hindi po magaling iyong gamot na ibinigay ninyo. Para pa ring sinisilaban ang aking tumbong. Masasakit at gabulaklak pa rin po iyong mga almuranas ko.

Duktor: Ginamit mo ba iyong nireseta kong gamot?

Pasyente: Opo. Araw-araw pa nga po, hanggang maubos iyong nireseta ninyo.

Tinignan ng duktor ang kanyang medical chart at sinigurado kung tama ba ang binigay niyang gamot.

Duktor: Sang-ayon sa record ko, niresetahan kita ng Kontra-almuranas na suppository para sa isang lingo.

Pasyente: Oo nga po. Hirap na hirap nga po akong lunukin iyon, at ang sama-sama pa po ng lasa!

*********

Pangatlong pasyente………

Pasyente: Doc, sana po matulungan ninyo ako. Feeling ko po invisible man ako. Kasi wala po sa aking pumapansin, eh.

Duktor: Next patient please!

*********

Sumunod na pasyente………

Tatay: Doc, pakitignan naman po ninyo itong aking anak.

Duktor: Ano bang nangyari sa anak mo?

Tatay: Nalulon po niya yung pang-ahit kong blade.

Duktor: Ha?! Kailan pa?

Tatay: Noon isang linggo po.

Duktor: Bakit ngayon mo lang dinala at ano ang ginawa mo?

Tatay: Eh di ginagamit ko na lang pang-ahit  ‘yung labaha po.

********

Huling pasyente………

Pasyente: Duktor, hindi po ako nireregla.

Duktor: Baka naman buntis ka?

Pasyente: Naku, sana nga magdilang anghel kayo! Pero wala naman pong lalaking pumapatol sa akin kahit anong gawin ko. Kaya sigurado po akong hindi ako buntis.

Duktor: Teka, kailan ka pa ba hindi nireregla?

Pasyente: Mula’t sapul po hindi ako dinadatnan ng pagreregla.

Mataimtim na kinilatis ng duktor ang pasyente.

Duktor: Hija, masakit ko mang sabihin sa iyo, pero hindi ka talaga magkakaregla.

Pasyente: Bakit po?

Duktor: Eh kasi lalaki ka.

********

(Ang mga kuwentong ito ay hatid sa inyo ng kabag…… sa utak. Pasensiya na po’t kailangang kong ilabas.)


Question and Answer: Sakit sa Balakang (2)

$
0
0

I have been asked diverse questions on this blog, from how much is a kilo of chicken liver, or where to get anting-anting, to how to counter a kulam. But there are some medical questions as well.

A certain Adrian, asked me a question regarding his condition, and I would like to answer him through this post. I hope the information here would help him and others who may have a similar problem.

Hi Doc,

May ilang buwan na din po nasakit yung right side ng balakang ko pati po yung kanang binti ko. Ngayon nararamdaman ko parang lumalala na kase diko na mapaliwanag yung sakit, masakit na nangangalay. Nung una po nangangalay lang yung right leg ko kaya binalewala ko lang, sinisipa-sipa ko lang hanggang sa tumagal nararamdaman ko na lumalala na. Hindi na ko makatayo ng matagal kase nangangalay yung binti ko at sumasakit din hanggang sa pag upo yung balakang at binti ko sabay sumasakit na parang na-ngilo 😑.

Pati sa pag higa nangangalay pa din kaya palagi ako nakatagilid, hanggang sa pag gising at pag bangon ko doc masakit. Hindi ko na kaya iunat yung dalawang binti ko kase sumasakit ng sobra yung likod ko dun sa gitnang part ng balakang. Pati pag yuko masakit parang konektado sa buto pababa ng binti yung sakit kapag nayuko ako 😢.

Doc may simtomas ako ng scoliosis. Dahil po ba dun yon kaya sumasakit yung balakang at binti ko?

Nagpa check-up na po kame sa doctor. Nag pakuha na po ko ng ihi at dugo at wala naman nakita. Niresitahan lang ako ng gamot tapos nag pa x-ray ako. Hindi naman ganun kalala yung scoliosis ko pero napansin ko na hindi na pantay yung balakang ko, doc mejo mataas yung right side. Patulong naman doc 😞.

Salamat po.

Salamat Adrian sa iyong tanong. Dahil medyo extensive and pagkaka-describe mo ng mga sintomas mo, kaya may idea ako kung anong nangyayari sa iyo. Siyempre iba pa rin yung tunay na harap-harapang pag-tingin at pag-examen sa iyo ng duktor.

Una sa lahat ang tungkol sa scoliosis. Scoliosis is defined as lateral curvature of the spine. Maraming maaaring sanhi ng scoliosis, tulad ng neuromuscular disease (tulad ng polio), vertebral disease (tulad ng osteoporosis, tuberculosis of the spine, Rickets), disorder of connective tissue (gaya ng mga genetic disorder na Marfan’s syndrome at Ehler Danlos syndrome), at iba pa.

Kadalasan ang pinakaapektado ng scoliosis ay ang thoraco-lumbar area. Kung malala talaga ang curvature ng scoliosis, maaring maapektuhan ang mga chest organs tulad ng baga at puso, dahil unti-unti silang naiipit o nasasakal. Maari ring maapektuhan ang mga muscles ng braso at hita at ito’y humihina.

Ang evaluation ng scoliosis ay sinusukat kung gaano kalala yung angle ng curvature. Kung hindi naman masyadong malala, ay pwedeng conservative management lang, tulad ng mga strengthening exercises and therapy sa spine o kaya ay paglalagay ng brace.

Kung talagang malala naman ang curvature, ay maaring lagyan ng bakal (rods) ang spine para ito dumiretso. Payo ko lang, huwag lang sa magbabakal o sa talyer kayo magpalagay ng bakal sa likod, kung hindi sa kwalipikadong orthopedic surgeon.

Adrian, hindi ko matiyak kung ang nararamdaman mo ay sanhi ng iyong scoliosis. Pero sa pagkaka-describe mo, ang aking hinala ay lumbosacral radiculopathy ang iniinda mo. Ibig sabihin, parang naiipit na yung ugat (nerve root) sa may vertebrae mo sa lumbosacral area, kaya’t parang nangangalay, sumasakit, at nanghihina ang iyong likod, balakang at mga binti.

Ang mga pinakamadalas na sanhi ng lumbosacral radiculopathy ay vertebral disc herniation (disc bulging out causing nerve root compression) at spondylosis (narrowing of the intraspinal canal due to degenerative arthritis). Mga iba pang sanhi ng lumbosacral radiculopathy ay infection, inflammation, neoplasm (tumors), at vascular disease.

Ang pinaka-magandang evaluation kung hinihinalang may lumbosacral radiculopathy ay CT scan o kaya MRI of the spine. Ang simpleng x-ray lang ay maaring hindi sapat na evaluation.

Hindi naman lahat ng sanhi ng lumbosacral radiculopathy ay kinakailangan ng surgery. Minsan pwedeng gamot lang gaya ng anti-inflammatory agents, o exercises, o physcial therapy ay uubra na. Baka makatulong kahit si Mang Kepweng.

Pero rinirikumenda ko pa rin na mag-follow-up ka sa iyong lokal na duktor, at kung kinakailangan kang i-refer sa espesyalistang nararapat, ay ito ang pinakamabuting gawin mo.

Adrian, sana ay nakatulong ito sa iyo. At paki-padala na lang yung dalawang hopiang munggo na bayad ko. Salamat po.


Ang Kulit Lang

$
0
0

Kung ikaw ay Pilipino o lumaki ka sa Pilipinas, ay sigurado akong may kakilala kang Bam-Bam, o Bong-Bong, o Che-Che, o Don-Don, o Jun-Jun, o Nene, o Ning-Ning, o Ping-Ping, o Toto. Siguro idagdag mo pa sina Mac-Mac, Mik-Mik, Mimi, Noy-Noy, Jan-JanLan-Lan, Lot-Lot, Jojo, Pen-PenTin-Tin, Ton-Ton, Kaka, RaraNana, Nini, NonoGang-Gang at Ging-Ging. Lahat ng mga pangalang binanggit ko ay mga kakilala ko.

May kilala rin akong Gaga at Gung-gung. Marami sila.

Bakit nga ba tayong mga Pilipino ay mahilig sa mga pangalang inuulit? Siguro ay makulit lang tayo kaya’t gusto natin ng inuulit-ulit. O kaya nama’y sobra lang tayo sa imahinasyon na gumawa ng makwela o mabantot na pangalan? Pero kung tutuusin uso na ang pangalang inuulit panahon pa ni Lapu-Lapu.

Hindi lang pangalan ng tao, kundi kahit mga lugar sa Pilipinas, ay may pangalang inuulit. Gaya ng Taytay, Iloilo, Guagua, Wawa, Tawi-Tawi, Sanga-Sanga, Hinulugang Taktak, at Mount Hibok-Hibok. Ako naman ay lumaki sa may Balik-Balik. Ang kulit ‘no?

DSC_0150

Meron din tayong mga pagkaing Pilipino na binigyan natin ng pangalang inuulit. Tulad ng kare-kare, bilo-bilo, tibok-tibok, pichi-pichi, kwek-kwek at poqui-poqui. Hindi po bastos ‘yung huling putahe, lutong Ilocano po iyon.

Siguro isama na natin pati tawag natin sa mga hayop. Mula sa maliit na kiti-kiti, hanggang sa malaking lumba-lumba. Andiyan din ang paru-paro, gamu-gamo, batu-bato, sapsap, at plapla. Pati nga bulaklak, gaya ng ilang-ilang at waling-waling. Bilib ka na?

At siyempe pa, pati maselang bahagi ng ating katawan, ang tawag natin ay inuulit din. Hindi lang kili-kili ang tinutukoy ko. Pati ti__, pek__, at su__. Awat na?

Aking nabasa na hindi lang daw ang wikang Pilipino ang mahilig sa mga inuulit na salita. Ang ating wika ay nagmula sa pamilya ng Malayo-Polynesian na mga lingwahe. Ang mga wikang ito ay may hilig na magdikit-dikit at magkawing-kawing ng mga kataga upang gumawa ng mga bagong salita. Maraming pagkakataon, inuulit ang unang component ng salita. Kaya siguro may Mahimahi sa Hawaii, at may Bora-Bora sa French Polynesia.

Kaya kung pinangalanan kang Pot-Pot o Keng-Keng, ay sisihin mo na lang ang ating mga sinaunang ninuno at mga tatang. Anak ng teteng talaga!

Kadalasan kapag ang isang salita ay inuulit ay tumitindi ang kahulugan nito. Kumbaga sa Ingles, ito’y nagiging superlative. Tulad ng kapag sinabing ang husay, ibig sabihin ay magaling. Pero kapag sinabing ang husay-husay, ay ibang liga na iyon at maaaring genius na ito. Kapag laksa, nangangahulugan ito’y marami, subalit kapag laksa-laksa, siguradong matatabunan ka na ‘nun. Kapag sinabing ang pangit mo, ay baka nagsasabi lang sila ng totoo. Pero kapag sinabihan kang ang pangit-pangit mo, ay insulto at away na ang hanap nito. Brod, tara sa labas!

Mayroon din tayong mga salita na tuluyang naiiba ang kahulugan kapag inuulit. Tulad ng bola, ito ‘yung isinu-shoot sa goal. Pero kapag bola-bola ito yung tinutusok at sinasawsaw. Baka iba namang tinutusok at sinasawsaw ang nasa isisp mo? Fishball tinutukoy ko ‘Te. Kapag sinabing turo, maaring tungkol sa maestra o sa paaralan. Pero pag-sinabing turo-turo, ay karinderya na ‘yan. Kapag halo lang ay parang walang dating sa akin. Ngunit kapag binanggit mong halo-halo, ay maglalaway na ako, dahil miss na miss ko na ‘yan.

Maari ring inuulit ang isang salita para ibahin ang verb tense ng isang pangungusap. Tulad ng hawak, ginagawang hawak-hawak para maging present participle tense. Kung baga sa Ingles, dinadagdagan ng –inglike hold to holding. Suot ginagawang suot-suot. At ang salitang bitbit, kahit inuulit na ito, pero uulit-ulitin pa rin.

Example: Bitbit-bitbit ni Pepe ang patpat at tingting.

Meron din naman tayong mga salita na kapag hindi inuulit ay walang kahulugan. Gaya ng sinto-sinto na ang ibig sabihin ay baliw. Ano naman ang ibig sabihin ng sinto? Medyo baliw? O kaya’y guni-guni na ibig sabihin ay ilusyon lang. Ano naman ang ibig sabihin ng guni? Kalahating ilusyon lang? O kaya naman ay kuro-kuro, na ibig sabihin ay opinyon. Ano naman ang kuro? Walang opinyon?

May mga salita ding inuulit, na tayo lang mga Pilipino ang tunay na nakakaintindi, dahil kasama na ito sa hibla ng ating kultura. Tulad ng tabo-tabo, pito-pito, tagay-tagay, at ukay-ukay.

Bilang kunklusyon, maaaring sabi-sabi at haka-haka lang ang mga nilahad ko dito. Maari rin itong bunga ng aking pagmumuni-muni o kaya nama’y guni-guni lamang. O siguro ito’y mga kuro-kuro ng isang kukurap-kurap at aantok-antok na pag-iisip. Kaway-kaway na lang kung inyong naibigan. At huwag namang bara-bara at sana’y hinay-hinay lang sa pagtawa, at baka mapagkamalian kayong luko-luko at luka-luka. Salamat po.

(*photo taken in Bagac, Bataan)

 

 


Marcha ng Patay

$
0
0

Sabihin na lang natin na hindi ko paborito ang subject na English noong ako’y nag-aaral pa. Hindi rin naman ako lumaki sa isang tahanan ng mga Inglisera. No spokening dollar in our house. Hindi naman sa nosebleed ako pag-Inglisan na, but English is not my strong suit. (Uy English ‘yon ah!).

First year high school nang sumali ako sa Cadet Officer Candidate Course(COCC), dahil gusto kong magkaroon ng ranggo bilang estudyanteng kadete. Isang hapon, habang ako’y nag-rereport sa isang commanding officer, buong lakas ng boses na sinabi kong “Sir, I want to be in the marching corps, sir!”

Biglang nagtawanan ‘yung mga nakaranig. Lalo na yung mga estudyante ng higher years. May isang grupo pa nga ng mga 4th year na halos gumulong sa lupa at maihi-ihi sa katatawa nang marinig nila ang sagot ko. Halos matunaw ako sa hiya.

Putris, malay ko ba na ang bigkas sa corps ay kor at hindi korps! Marching corpse? Pinagmarcha na ang patay!

Buti pa ang Tagalog, ang salitang aking kinamulatan, ay madaling basahin at bigkasin. Bawat letra ay iisa lang ang bigkas. Ang a ang laging a, ang e ay laging e, ang ay laging o. Hindi pabago-bago. Ang gago ay laging gago. Hindi geygo, o geygow, o gahjo.

Sa English, ang dami-daming paraan ng pagbigkas at pagbasa sa letra o salita. Ang a ay pwedeng ah, as in apple (apol), o pwedeng maging ey as in apron (eypron), o eh, as in hat (het). Nakaka-geygow talaga.

Minsan may mga letra na hindi binibigkas, o kaya nama’y iba ang pagbasa. Tulad ng salitang colonel. Kung ang bigkas mo dito ay kolonel, ay nagkakamali ka. Ang bigkas daw dito ay kernel. Tinamaan ng magaling, nasaan ang letrang R sa colonel? Isa pang example, ang salitang cache, ang bigkas ay hindi ka-tche o kaya ay ka-shey. Ang tamang bigkas raw ay kash.

May iba pang salita na kahit parehong spelling, pero iba ang pagbasa depende sa ibig sabihin. Tulad ng lead (to go in front), and bigkas ay lid.  Pero ang lead (metal) ang bigkas ay led. Ang bass (low, deep sound) ang bigkas ay beys. Pero ang bass (type of fish) ang bigkas ay bas. Sinong hindi mage-geygow?

Hindi ko akalain na darating pala ang araw na titira ako sa lupa na ang salita ay Ingles. Noong isang araw ay kausap ko ang kaibigan kong Englishman. Akin siyang pabirong sinisisi sa wika na kanilang inimbento na nagpapahirap sa ating mga Pilipino. Hindi niya tuluyang inako ang sisi. Sabi niya hindi raw mga Englishmen (British) o kahit mga Amerikano ang may kasalanan. Sisihin daw natin ang mga Pranses (French), dahil karamihan ng salitang mahirap bigkasin ay hugot sa salitang French.

Totoo nga naman dahil ang salitang corps, colonel at cache na aking nabanggit ay French word ang pinagmulan. Pero may mas mahihirap pang salitang galing sa kanila. Tulad ng coup d’etat. Pero kahit mahirap itong basahin, dahil sa daming coup d’etat na nangyari sa ating bansa, ay sanay tayong mga Pilipino na bigkasin ito, ku-de-tah. Isa pang salita, ang hors d’oeuvre na ibig sabihin ay appetizer. Kung ang basa mo diyan ay horse de over ay baka akalain nilang karera ang usapan. Ang bigkas daw diyan ay or-derv.  Anak ng tokwa, panghimagas na lang pinahihirap pa.

Pero dahil gusto ko ng French fries, French toast, at French kiss, ay mapapatawad ko ang mga Pranses.

Meron ding naman tayong mga pinahiram na mga salita na ngayon ay bahagi na ng salitang Ingles. Tulad ng boondock, mula sa ating salitang bundok. O kaya ay kilig, balikbayan at barkada na nasa Oxford English dictionary na. Pero siguro kapag binasa ng Kano ang barkada ito ay bahr-key-duh.

Nung nasa first year college naman, sa aming English literature class, ay pinatayo ako at malakas na pinabasa ng aming libro. Tungkol sa mythology ‘yung subject. Aking binasa: At the beginning there is only Chaos.

Naghagalpakan ang buong klase, kahit hindi naman ako nagpapatawa. Hindi ko naman ginagaya si Jimmy Santos mag-Ingles. Pati ang aming guro ay namula sa kakapigil ng kanyang tawa. Bigkas ko kasi sa chaos ay tchaos. Tangenge talaga! Kung hindi mo rin alam ang bigkas diyan, ito ay keyos. Na-geygow na naman ako.

Subalit kahit na nakasama ako sa parada ng mga tanga, at sumali sa marching corpse, pero nang mag-marcha na kami noong high school graduation, ay tumanggap naman ako ng mga award na Excellence in Math at Excellence in Science. Wala nga lang Excellence in English. At kahit pa chaotic (tchayotik) ang aking Ingles noong college, pero noong graduation na ay sinabitan naman ng medalya dahil nakatapos nang may honor na “cum latik.”

Sa ating buhay, huwag sana nating husgahan ang mga “bobo” sa English. Hindi lang ang pagsasalita ng Ingles ang basehan ng kaalaman at talino ng isang tao. At huwag din naman nating tawanan kung balu-baluktot mag-Tagalog ang isang tao. Maaaring Bisaya, o Ilokano, o iba pang katutubong wika ang kinamulatan nila, at ibig sabihin nito ay higit sa isa, o dalawa, o tatlong wika ang alam nila. Kaya’t lamang pa rin sila.

Diretso o bulol man ang iyong Ingles, ay ayos lang. Buti pa, maghalo-halo na lang tayo sa Chow-King. Or should I say Kaw-King?

(*Isinulat para sa buwan ng wika)

 



Chedeng at Chinelas

$
0
0

Noong makalawang araw ay bumisita sa aming bahay ang isang kaibigan, kasama ang kanyang asawa at panganay na anak. Siya ay isa ring Pilipinong duktor dito sa Iowa. Meron lang silang dinaanan dito sa amin.

Aking napansin na bago ang sasakyan niyang dala. Sabi niya, ipinamana na raw niya ang lumang Honda sa kanyang anak. Akin siyang kinantsawan na sobrang asenso na niya. Ika ko nga, “hindi ka na ma-reach!”

Kasi, naka-Chedeng na siya.

Malugod din niyang ipinakita ang mga features ng kanyang bagong kotse. Pinindot lang niya ang kanyang cellphone at umandar na ang kanyang kotse, kahit wala siya sa loob nito. Napabilib ako. Siguro pwede pa niyang i-program na utusan lang ang kanyang smartphone: “Siri, start my car.”

Mayroon din daw itong standard safety features, gaya ng automatic braking kung sakaling aanga-anga siya at hindi nakapag-preno kaagad, at nagbibigay din ng warning kung may sasakyan sa kanyang blind spot at kung siya ay antok-antok at lumilihis sa lane. Hindi lang din daw camera sa likod ang makikita niya kung siya ay umuurong, kung hindi 360º view. Higit sa lahat, kaya nitong magself-park, kahit pa parallel parking. Sabi ko nga, kulang na lang mag-drive ‘yung kanyang Mercedes na mag-isa.

Pero sang-ayon sa mga eksperto, by year 2020 or 2021, mayroon ng mass production ng self-driving cars, at available na ito sa lahat. Kahit sino ay pwede nang maging Knight Rider!

Habang ipinagyayabang ng aking kaibigan ang kanyang Mercedes, ay para kaming mga musmos na natutuwa sa bagong jolen, o trumpo, o kaya’y matchbox. Iyon nga lang, totoo ‘yung matchbox.

Noong ako’y batang paslit pa, ang kilala ko lang na luxury car ay Chedeng o Mercedes Benz. Kilala ko rin si Aling Mercedes, pero hindi siya kotse. Hindi ko pa alam noon ang BMW, Audi, Porsche, Jaguar, Ferrari, Cadillac o Lexus. Kilalang-kilala ko naman ang Sarao. Tingin ko sa mga naka-Chedeng noon ay sobrang yaman at sobrang matagumpay sa buhay.

Sa katunayan, wala nga akong kilalang naka-Mercedes noong ako’y nasa elementarya at high school pa, maliban sa isa. Siya ay crush ng bayan sa aming eskwelahan, dahil maganda na siya tapos naka-Chedeng pa. Ang tatay niya ay duktor, at sila ay nakatira sa Dasma (Dasmariñas Village).

Noong nasa kolehiyo na, ako ay namulat sa katotohanan na kahit sa mahirap na bansa’t lipunan pala, ay marami pa rin burgis. Marami akong naging kamag-aral na naka-Chedeng. May mga kaklase pa nga ako na may sarili silang kotse at naka-tsuper pa. Buong mag-hapon naghihintay lang ang kanilang tsuper sa may parking lot ng unibersidad. Hindi lang nga Mercedes Benz, may nakita pa akong estudyante na ang dina-drive ay Porsche. Okay lang, ako naman ay “Cadillac” – kadilakad.

Balik tayo sa kaibigan kong Pilipinong duktor dito sa Iowa. Habang kami ay nagku-kwentuhan ay aming napag-usapan na parang kailan lang ay mga musmos pa ang aming mga anak. Ngunit ngayon, pareho na kaming may anak na nasa kolehiyo. Ang bilis ng panahon.

Nagawi ang aming usapan noong kami ay nasa-kolehiyo pa. Siya ay nag-aral din sa Maynila. Nabangit ko na napakarami nang nagtataasang condominum sa Maynila pati sa university belt. Sabi naman niya ay marami na rin daw masasarap na kainan sa paligid-ligid ng university belt. Sa susunod niyang uwi sa Pilipinas, gusto raw niyang pumasyal at kumain sa mga turo-turo sa tabi ng unibersidad. Simple pa rin talaga ang trip ng kaibigan kong ito, down-to-earth pa rin.

Napag-usapan din namin kung paano kaming nakikipag-habulan sa mga jeepney, at kung paano kami halos makipagbalyahan at siksikan, makasakay lamang. Pinaririnig lang din naman namin sa aming mga anak kung gaano sila kaswerte ngayon, at hindi nila naranasan ang  hirap na aming dinaanan.

Jeepney_Benz

Chedeng na Jeepney

Hanggang sa napag-usapan noong kami ay nasa elementarya pa. Kwento ng aking kaibigan, dahil siya ay lumaki sa probinsiya, ay naglalakad lang daw siya araw-araw patungong paaralan nila. Ang pampublikong paaralan ay nasa kabilang barrio, kaya’t medyo malayo ang kanyang linalakad. Para mag-short cut, siya ay tumutulay sa pilapil ng mga palayan habang bitbit-bitbit niya ang kanyang chinelas para hindi maputikan. Minsan pa raw, binibitbit din niya ang kanyang chinelas para hindi ito maupod agad, upang makatipid.

Ako ay napangiti at napaisip. Ang batang nagbibitbit lang ng chinelas noon para hindi ito maupod, ngayon ay naka-Chedeng na.

Tignan mo nga naman talaga ang tadhana. Marunong pa rin itong ngumiti sa mga nagsisikap na umasenso sa buhay. Kahit na hindi Mercedes, ang kanilang pangalan.

(*photo from the web)

 

 


Don’t Lose Your Head

$
0
0

Perhaps you’ve heard of the advice that goes something like this: Be careful, or you’re gonna lose your head.

For some creatures, apparently this warning should be taken literally.

One morning last week, while I was working at our clinic, I noticed a praying mantis resting on our glass window. Our office room is one huge room that I share with my other partners.

One doctor partner of mine also saw the praying mantis and nonchalantly said that female praying mantis sometimes chomp off the head and eat their male partner after they mate or even while they are mating.

What?!!

I don’t think I heard that fact before. Maybe I was absent that day or missed that lesson during my biology class in high school and college. I know some creatures cannibalize their mates. The most notorious perhaps is the black widow spider, that’s why they are named such.

Other creatures that kill their mate after copulation includes the jumping spider, some scorpions, and some octopus. You probably have heard the song, “Love Hurts” by the rock band Nazareth. But for these creatures, love kills!

Our office secretary also overheard our conversation, and started ‘googleling’ some facts and videos about praying mantis.

I learned that mantids (plural of mantis) have 2 large eyes and 3 smaller ones and have stereo-vision. They can also rotate their head 180 degrees, enabling them to scan their whole surrounding. But maybe that’s the reason they are decapitated by their female mate, so they won’t look around anymore for another mate.

By the way, they are called “praying” mantis, because they have a stance that their front legs are folded like they are praying. The word “mantis” in Greek means prophet or seer. But don’t be fooled with this angelic pose, for they are deadly predators, preying on smaller insects. Bigger mantis can even prey on lizards, frogs, and birds. Yes, they prey even on their mates! They should be called “preying” mantis.

Such an opposite meaning between praying and preying. Do we sometimes give a different impression than who we really are? Do we hide horns underneath the halo? Maybe those mantids are just praying before they prey on their meal.

So back to my story, after hearing more facts from our secretary, courtesy of Dr. Google, we wondered whether the mantis on our window is a male or a female. Doctors can be very inquisitive, you know.

We learned that differentiating a male from a female praying mantis is quite simple. A male mantis has 8 abdominal segments, while the female has only 6.

So we looked closely on the praying mantis on our window whose belly is very visible to us. We determined that it is a male.

IMG_5440

praying mantis on our window

Doctors can determine the sex of the fetus or an unborn baby by looking at ultrasound images. They can determine the sex of a skeletal remains by anthropometric measures and bone features. They can even determine the sex where a tissue sample came from by doing genetic testing. But in our case, we also determined the sex of a praying mantis by simply looking at its belly.

After learning all these, we said to the mantis, “Be careful buddy, or you’re gonna lose your head.”

I guess, the warning applies to humans too, especially for the young ones. Many times we lose our head, in a sense that when the ‘love bug’ bit us, we lose our mind and we abandon our thinking brain, as we behave and act against all reasoning.

As Francisco Balagtas, a Filipino poet wrote long time ago in his work Florante at Laura:

O pag-ibig na makapangyarihan, pag pumasok sa puso nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.

(Love, all-powerful thou art, when you enter anyone’s heart, all will be abandoned, just to follow thy path.)

To all lovers out there, not just for the mantids, please keep your head.

*******

(*English interpretation of the excerpt from Florante and Laura is my own translation.)

 


Fields of Gold

$
0
0

A few weeks ago, we visited a friend’s farm where they are experimenting if they can grow rice here in Iowa. In case you don’t know, we don’t plant rice here. The farms here in Iowa are mostly corn and soybeans. Though rice is grown in a few southern states of the US.

The rice that they are trying to grow here in Iowa is a different type of rice though. As you can see in the picture below, it is not growing in paddies that we Filipinos are more familiar with. This variety of rice is more sturdy to the cold weather and does not need irrigation or much water. Of course the part owner of this farm is a Filipino. As we Filipinos loves rice, where ever part of the world we are.

IMG_5421

Back in the Philippines, even though I grew up in the city, we went to my father’s province quite regularly when I was young. Their ancestral home was by the edge of a rice field. We spent many hours watching farmers work on those fields. We sometimes played in those fields too, hunted for palakang bukid (frogs) there, and even played tag with my cousins while running in the pilapil (dikes).

During harvest season, it was beautiful to see the palay (rice) with their golden grain swaying and dancing as the wind blows through them like the waves of the sea. I miss seeing those fields of palay.

In 1993, one of my favorite singers, Sting released the song “Fields of Gold.” The song opens and ends with these words:

You’ll remember me when the west wind moves
Upon the fields of barley
You’ll forget the sun in his jealous sky
As we walk in fields of gold.

Sting found inspiration to write that song as his house in England, a 16th century Wiltshire manor house, was surrounded by barley fields. Even though I am not familiar with fields of barley, I can somehow relate as I have seen “golden” fields of rice, which I believe has the same poetic appeal.

If Sting lived in the Philippines, he could have sung: “You’ll remember me when the west wind moves, upon the fields of palay.” And if he grew up in the Philippines, his name may not be Sting, but it could be Pagi (stingray), or Putakti (wasp), which we know can sting bad. Sorry I digress.

By the time the song Fields of Gold became popular, it was the time also that I left the Philippines. You could say that I left my native land in search of some greener pastures and in pursuit of “fields of gold.”

When I came to America, the first couple of CD’s I bought was albums of Sting. For several months, during my lonely moments, Sting kept me company. I listened to his melancholic songs of Fragile and They Dance Alone, and also sang along his upbeat songs like All This Time and If You Love Somebody Set Them Free. Sometimes he even serenaded me to sleep.

After living here in the US for some time, and after moving from New Jersey, then to New York, then to California, then to Florida, and finally settling here in Iowa, I believe I have found what I was looking for. I can even claim now that I am literally looking at fields of gold. With autumn season upon us and with changing fall colors, even the fields here are turning gold, signifying that harvest time is near.

Below is a picture of a ‘golden’ soybean field.

IMG_5486

I may have traveled long and far in pursuit of my dreams, but at least I can say that it brought me to my own fields of gold. I am not saying that I own those soybean fields. I don’t own corn fields either. I am not even talking about the soybeans, or cornfields, or even those rice fields. What I’m saying is this – what I own, is the realization of my dreams.

As I was running the other morning near these golden fields, the song Fields of Gold was playing in my mind. And if I may borrow from the lyrics of Sting, albeit with some changes:

Many years have passed since those summer days among the fields of barley palay
See the children me as I run, as the sun goes down up among the fields of gold.

IMG_5480

(*photos of soybean fields taken during my morning run)

 


8 Years of Blogging

$
0
0

Eight years ago this day, I launched myself into the wide and far-reaching space of the blogosphere. And Pinoy Transplant In Iowa has been in orbit since then.

IMG_0509

Eight years in existence may be deemed a milestone, especially if you consider the fact that according to research (which I also read from a blog), the average lifespan of a blog is less than 100 days. Perhaps I’m just more stubborn. Too stubborn to quit.

Though in all honesty, I seriously thought of walking away last year. I even have a “swan song” article written already, though it remained unpublished. Again, too stubborn to quit.

I am thankful for all of you, my readers and followers. The silent majority of you are not bloggers. The past year has been the most successful year yet, with regards to readership, as I got more than 70,000 visits last year. But I know, that’s nothing compared to some popular blogs that can garner that same stats in just a few days. For me, it took me eight years to establish that level of audience. That’s fine, Rome wasn’t built in one day.

Speaking of Rome, do you know that the Colosseum in Rome took 8 years to build? It was completed in 80 AD. Given the available technology and equipments they have during that time and considering how colossal (sorry, pun intended) that structure was, which can hold 50,000 people, eight years was really not long, but was rather quick. So a period of time can be short or long if you look at it in different perspectives. Anyway, we know that the Colosseum is still standing today after almost 2000 years.

Don’t get me wrong, I am not having the delusion that this blog will have the same longevity as the Colosseum. But at least I can say that with the number of visits I have, I can fill the Colosseum in a year.

To all of you, again, I am grateful and humbled for your continued visits.

Sincerely yours,

IMG_2493

Pinoytransplant

 

(*first photo was in Ilocos Norte 2012, the second was in Tel Aviv 2017)

 

Ang Tandang at si Uncle Tom

$
0
0

Ako ay may tiyuhin na Amerikano. Siya si Uncle Tom.

Tatlong dekada na ang nakalipas nang isa sa aking mga tiyahin ay nagka-penpal ng isang Amerikano. Uso pa noon ang ballpen, magsulat sa papel, at maghulog ng sulat. Matagal-tagal din silang nagkasulatan, at dumating sa yugto na gusto nilang magkita. Wala pang Facebook at FaceTime noon, kaya’t nag-planong lumipad papuntang Pilipinas ang Amerikanong penpal ng aking tiyahin.

Dahil kami ay may bahay naman sa Maynila, at para na rin tuluyang makaliskisan, este makilatis pala ang ibig kong sabihin, ang kanyang penpal, kaya pinakiusap ng aking tita na sa bahay na namin tumuloy ang Amerikano.

Itanggi man natin o hindi, marami pa rin sa atin ang nagnanais na makakilala ng isang banyaga, at mapangasawa ito. Dahil sa isip natin ito ang ating magiging pasaporte para lumisan ng bansa. At kung tayo ay medyo tag-hirap, ito ang ating pagkakataong umunlad at makaahon sa buhay. Darating kaya ang panahon na ang mga Pilipino ay hindi na mangangarap na umalis ng bansa?

Kaya nang dadalaw na ang Amerikano, hindi kami magkandaugaga sa aming paghahanda sa kanyang pagdating. Para kaming naghanda sa isang official state visit, gaya nang dumalaw si President Trump sa Pilipinas. Kulang na lang ay umarkila kami ng banda ng mga musikero at magpa-piyesta sa aming kalye sa pagsalubong sa kanya.

Lumuwas pa ng Maynila ang aming lola mula sa probinsiya at nagdala ito ng mga buhay na manok, para raw ipanghanda sa Amerikano naming bisita. Siyempre, mas masarap pa rin daw ang lasa ng native at free-range na manok. Organic pa at siguradong hindi sinaksakan ng growth hormone at antibiotic.

Isa naman sa aking tiyuhin ang sumundo mula sa airport. Hindi na ako sumama dahil puno na ang sasakyan at baka wala pang maupuan ang aming bisita. Pagkasundo sa airport, ay sa bahay na namin sa Sampaloc Manila tumuloy ang Amerikano.

Sa aking silid pinatulog ang bisita. Malaking tao pala itong Amerikano. Hindi ko alam kung paano siya nagkasya o kung naging kumportable siya sa aking munting katre. Aaminin ko medyo masikip ang aking silid, pang-Petite (Palito?) size lang ito at hindi pang-Jumbo size. Hindi ko rin alam kung naglagkit sa init ang aming bisita, dahil wala naman kaming air conditioner. Pero may bintana naman at bentilador ang aking kuwarto.

Kahit payak ang aming bahay at masikip ang aking kuwarto, ay siguro naman ay lumutang pa rin ang aming pagiging hospitable sa aming panauhin. Kung tutuusin hindi lang ang Amerikanong penpal ng tiyahin ko ang banyagang natulog sa aking munting silid. Minsan ay nagkabisita kami ng galing Papua New Guinea na tumuloy din sa aking kuwarto. Marami ring kaming mga bisitang lokal ang nanuluyan dito. Kaya puti, itim, o kayumanggi – walang kinikilingan ang aking silid.

Balikan natin ang mga manok na dala ng aking lola. Isa dito ay puting tandang, pero hindi ito pang-sabong. Dahil hindi lahat ng manok ay ihahain kaagad, kaya’t ang iba ay hinayaan munang buhay. Kasama dito ang tandang na itinali sa veranda ng aming bahay.

Unang gabi ng aming bisita, maaring pagod na pagod sa biyahe ang Amerikano, at may jet-lag pa, kaya hahayaan lang sana namin siyang matulog kahit tanghaliin pa siya ng gising. Subalit may ibang balak ang puting tandang.

Bago pa magbukang liwayway o maaninag ang liwanag ng umaga, at bago pa magsipag-byahe ang mga traysikel ay simula nang tumilaok ang puting tandang. Walang patid at masigabo sa pagtilaok ang pesteng manok. Pumwesto pa ito malapit sa bintana ng aking kuwarto.

Hindi nagtagal ay nagising ang aming bisitang Amerikano. Galit at mainit ang ulo nito. Masama ang pagkakagising. Sino nga bang hindi mauunsiyame kung mabulabog ka sa iyong mahimbing na pagkakatulog.

Paglabas niya sa kuwarto, ay ako ang kanyang nasalubong. Sabi niya sa akin: “Where is that #&*@^! rooster, I’ll wring it’s neck!”

Sa halip na sa ilang araw pa sana kakatayin ang pobreng tandang, noong araw rin na iyon, naging tangahalian na namin ito. Nahimasmasan naman ang init ng ulo at natuwa pa ang aming panauhing pandangal, nang matikman niya ang masarap na luto na inihain namin sa kanya. Tinolang manok!

Nang malaon na ay nagkaigihan naman ang aking tita at ang kanyang penpal. Sila ay nagkataluyang magpakasal, at siya ay naging aking Uncle Tom. Hindi na nagtagal pa ay nakalipad na rin ang aking tita papuntang Amerika.

Maaring sabihin na dahil kay Uncle Tom, ay naging masuwerte ang aking tiyahin dahil siya’y nakarating ng Estados Unidos. Kahit man ako ay nabiyayaan din, dahil ang tiyahin kong ito ang isa sa tumulong sa akin sa pinansiyal nang ako’y nag-a-apply na papuntang Amerika para sa aking Medical Residency Training. Dahil sa ako’y natanggap sa isang academic hospital para mag-training, ito naman ang naging daan para ako’y makapangibang-bayan.

Noong nakaraang Pasko, maliban sa aking pagtawag sa mga kamag-anak sa Pilipinas, ay tinawagan ko rin ang aking tiyahing ito na naninirahan na sa California. Siya ang pinakamalapit kong kamag-anak dito sa Amerika. Ang California ay mahigit na tatlong oras na biyahe sa eroplano o dalawang araw na drive mula sa amin dito sa Iowa.

Sa pag-uusap namin ng aking tita ay nabanggit niya na medyo lumulubha na raw ang kalagayan ni Uncle Tom at nagiging makakalimutin na rin ito. Sa katunayan, may mga ilang taon nang may sakit si Uncle Tom. Salamat na lang kay tita na tunay na nagmamahal sa kanya, at hindi niya ito pinababayaan. Isa pa, dahil nurse ang aking tiyahin, naaalagaang lubos si Uncle Tom.

Sa aking tingin at palagay, kung naging masuwerte ang aking tiyahin, mas naging masuwerte si Uncle Tom dahil nakilala niya ang aking tita at ang aming pamilya. At hindi lang ito dahil sa nakakain siya ng tinolang manok.

DSC_0048

(*photo taken during our last visit to the Philippines)

Lalamunang Butas

$
0
0

Bahagi ng pagiging isang masinop na duktor, ay ang pagkuha ng istorya, o aming tinatawag na history, mula sa pasyente. Dahil kalimitan, maaring ma-diagnose o malaman kung ano ang sakit sa pamamagitan lang ng history. Siyempre kailangan pa rin ng physical exam at mga ancillary testing, para makumpleto ang diagnosis. Pero napaka-importante ng history.

Kaya naman kasama sa aming training o pag-aaral bilang duktor, ay ang kung paano kumuha ng tamang history. Katulad nang kung masakit ang tiyan ng pasyente: aming itatanong kung kailan pa nagsimula, o anong oras ng araw lumilitaw ang sakit, anong klase ng sakit, anong maaring nagpapalubha o nagpapaginhawa sa sakit, kung saan mismo ang sakit, o kung ito ay gumagapang sa ibang bahagi ng katawan, kung kumain ba ng panis na pansit, at kung anu-ano pa.

Huwag ninyo sanang isipin na makulit lang ang inyong duktor dahil napakaraming tanong, na pati pagkain ninyo ng pansit ay inuusisa. Ang mga tanong na ito ay kailangan para malaman ang tamang diagnosis.

Oo nga’t mayroong mga pagkakataon na hindi kami makakuha ng tamang kuwento o history mula sa pasyente. Tulad ng mga pasyenteng tuliro o walang malay na dinala sa hospital. Marami kaming ganyang pasyente sa ICU. O kaya naman ay ibang wika o dialect ang kanilang salita, o kaya’y pipi ang pasyente, kaya’t kailangan pa namin ng interpreter.

Mayroon din namang mga pasyente na hindi makapagbigay ng tama o accurate na history, dahil lito sila, o talagang magulo lang silang kausap. Para silang laging lasing. Kaya naguguluhan tuloy pati ang duktor kung ano talaga ang nangyayari.

Saludo ako sa mga Pediatrician, na kayang malaman kung ano ang iniinda ng mga bata o sanggol nilang pasyente, kahit hindi pa ito nagsasalita. Siyempre nakakatulong din ang history na ibinibigay ng magulang ng mga bata.

Mas saludo ako sa mga Veterinarian, kung paano sila kumuha ng history. Siguro ay naiintindihan nila ang bawat kahol, meow, o huni ng kanilang pasyente. Buti na lang at hindi ako pinag-beterenaryo ng nanay ko, at baka kumakahol na rin ako ngayon.

Isang kuwento mula sa matagal na panahon nang nakalipas ang aking isasaysay sa inyo. Ito’y nangyari nang ako’y intern pa sa Pilipinas.  Isang araw ay sabik na sabik na nagkuwento sa amin ang isa naming co-intern, ng kanyang karanasan mula sa hospital ward.

Sabi niya, may pasyente raw siyang may butas sa lalamunan o tracheostomy. Siguro dahil sa cancer sa larynx, pero hindi niya ito sigurado.  Kaya’t kailangan pa rin niyang kunin ang history ng pasyente.

Kung hindi ninyo alam kung paano ang may tracheostomy, sila ay hindi makapagsalita ng maayos,  dahil lumalabas ang hangin sa kanilang tracheostomy at hindi dumadaan sa vocal cord. Minsan, yung mga may tracheostomy, ay wala na ring vocal cord, at tuluyan na silang hindi makapagsalita.

Gayun pa man, desidido pa rin ang aking co-intern na kunin ang history ng kanyang pasyente.

Intern: Kuya, ano po bang dahilan bakit ka pumunta sa ospital?

Pasyente: Heh, hasi hirahp ahoh humingah.

Intern: Ganoon ba? Eh bakit ka nagka-tracheostomy?

Pasyente: Heh hasi, hanito hiyan. Halahas haho hahihahiho. Hayah haghahooh haho hang hanser sa lahlahmunah.

Intern: Teka, teka kuya. Hindi po kita maintindihan.

Luminga-linga ang aking co-intern at nagbakasakali na may kasama o bantay ang kanyang pasyente. Inisip niya, baka makakatulong ito na magbigay ng kuwento.

Sapak naman at naroon sa may pintuan ang isang kabataang lalaki. Tinanong ng intern kung kilala ba niya o siya ba ang bantay ng pasyente.

Tumango naman ang lalaki. Natuwa ang intern.

Tinanong uli ng intern kung alam ng bantay ang kwento ng pasyente. Tumango ulit ang bantay. Lalong natuwa ang intern.

Intern: Ano ba ang nangyari sa kanya?

Bantay: Ngabi ngiya, malangas naw ngiya mangingangiyo, ngaya ngagngaroon ngiya ngang nganser nga lalamungan.

Toink!

Sa kabila nito, nakuha pa rin ng intern ang wastong history. Kinailangan lang ng konting tiyaga at pangunawa.

*********

(*Ang kuwentong ito ay tunay na pangyayari, at hindi ko po intensiyon na laitin ang may mga tracheostomy o cleft palate.)

 

Pahabol na tula:

Mga lalamunang butas,

At ngala-ngalang bukas,

Mga boses na gasgas,

Hirap silang bumigkas.

H’wag batuhin ng pintas,

Bagkus tratuhin ng patas,

‘Pagkat ‘di man sila matatas,

Isip nila’y matalas.

Question and Answer: Hindi Maubos na Ubo

$
0
0

May kanta ang Eraserheads na nagsasabi: “Hanggang sa dulo ng mundo, hanggang maubos ang ubo.” Pero ang tanong na tatalakayin natin ngayon ay ang hindi maubos na ubo.

Doc,

Good AM po. Ako po ay may ubo, matagal na po pero hindi pa rin naaalis. Akala ko dahil sa sumugod ako sa ulan kaya po ako inubo. Sumasakit na din po minsan ang aking likod pag ako umuubo, tas noong isang araw may bahid po ng dugo plema ko.

Hindi naman po ako nilalagngat. Sabi ng asawa ko pumapayat po raw ako, pero baka kulang daw ako sa bitamina. Ano pong dapat kong gawin? Sana po matulungan ninyo ako.

Toto

Dear Toto,

Maraming dahilan kung bakit tayo inuubo. Una sa lahat ang ubo ay hindi mismo sakit. Ito ay palatandaan o sintomas lamang na maaring tayo ay may sakit.

Ang ubo, ay isang reflex o protective response ng ating katawan sa isang bagay na maaring magdulot ng pinsala sa ating sistema. Tulad nang kapag ikaw ay nasamid, ibig sabihin, maaring may butil ng pagkain, o tubig, o laway o anumang foreign body ang nag-trespassing sa ating trachea or windpipe. Tayo ay uubo upang matangal ang anumang nakabara sa daluyan ng ating hangin.

May mga taong hindi makaubo o kaya’y mahina ang kanilang cough reflex, tulad ng mga na-stroke, o kaya’y mga nawalan ng malay, gaya nang sa sobrang kalasingan. Sila ay maaring mag-develop ng aspiration pneumonia. Ito ‘yung mga secretions mula sa kanilang bibig ay nakapuslit at naligaw papuntang baga. Dahil hindi sila makaubo ng maayos kaya nalulunod sila sa sarili nilang laway.

Umuubo rin tayo kung maraming plema sa ating daluyang ng hangin at baga. Ang ubo ay paraan upang maalis ang mga plema. Kaya’t hindi maganda kung atin laging pipigilan ang ubo. Kalimitan ang mga gamot na cough suppressants ay hindi kailangan, maliban kung talagang malala na ang ubo na para na tayong asong kumakahol at hindi na tayo makatulog.

the big yawn

Isa sa pinakamalimit na dahilan ng ubo ay infection. Dahil sa inflammation na sanhi ng infection, tumitindi ang mucus production sa ating daluyan ng hangin. Kadalasan ay virus ang sanhi nito, at wala masyadong mabisang gamot sa viral infection. Lilipas lang din naman ito. May mga medisina na maaring magpalabnaw ng plema, lalo na kung malagkit na parang kalamay, upang mas madali natin itong ilabas. Makakatulong din ang pag-inom ng maraming tubig.

Minsan ang infection ay dahil sa bacteria. Ito ang sanhi ng bacterial bronchitis o pneumonia. Dito maaring kailangan na natin ng antibiotics upang labanan ang infection. Pero minsan hindi lang bacteria, pero maaring fungal (amag) o mycobacteria (tulad ng tuberculosis o TB) ang sanhi ng infection. Sa pagkakataong ito, kailangan na talaga ng subaybay ng duktor para malunasan ang mga infection na ito.

May mga sanhi rin ng ubo na ang dahilan ay hindi infection. Tulad ng asthma, allergy, at gastroesophageal reflux disease (GERD). Sa asthma, maaring ang ubo ay katumbas ng bronchospasm o paninikip ng airways. Maari ring mamaga ang daluyan ng hangin dahil sa hika, kaya mayroon ding plema. Inhalers o tinaguriang bomba de hika ang makakapagbigay ginhawa dito.

Sa allergy naman, maaring maraming mucus o sipon galing sa ilong ang tumutulo sa lalamunan (post-nasal drip), at ito ay umiirita sa ating lalamunan. Maaring makatulong ang mga nose sprays at allergy medications.

Sa GERD naman, ang maaasim na asido mula sa stomach ay maaring umakyat papuntang lalamunan at ito ay umirita sa ating daluyan ng hangin. Makakatulong ang mga antacids na gamot para sa pesteng ahem na ito.

Isa pa sa mga dahilan ng ubo ay ang paninigarilyo. Nagrerebelde ang ating airways, at ang ating katawan ay naglalabas ng maraming mucus para protektahan ang sarili sa umaatakeng iritante. Ito ang sanhi ng tinatawag nating “smoker’s cough.” Siyempre maari rin magkaroon ng COPD or emphysema sa paninigarilyo, at hindi lang ubo ang sintomas nito, kundi kasama na pati ang paghingal at maingay na paghinga na parang nakalunok ng pusa.

Maari rin magkaroon ng kanser sa baga dahil sa paninigarilyo. Ang kanser ay isang sanhi ng ubong hindi maubos-ubos, hanggang maubos pati hininga. Sa katunayan, kapag kanser ang sanhi ng ubo, kalimitan ang kanser sa baga ay nasa advanced stage na. Sa ibang salita, mi ultimo ubo.

Balik ako sa kaso mo Toto, sabi mo medyo matagal na ang ubo mo. Ito ba’y ilang linggo na o ilang buwan na? Isa pa, ikaw ba ay naninigarilyo? Nababahala ako sa sabi mong may bahid ng dugo sa iyong plema. Maaring magkaroon ng dugo sa plema sanhi ng infection o iritasyon ng daluyan ng hangin. Pero maaring mas malala rin ang sanhi nito, tulad ng kanser.

Isa pa sa kinababahala ko ay sabi mo, pumapayat ka. Maaring dahil wala ka lang ganang kumain, o dahil na rin sa iyong sakit kaya nahuhulog ang iyong katawan.

Sa aking listahan ng maaring sanhi ng iyong ubo, infection ang isa sa aking hinala, kasama na rito ang TB, dahil medyo palasak pa rin ang TB sa Pilipinas. O kung ikaw ay naninigarilyo, dapat natin isaalang-alang na puwede itong kanser. Hindi sa tinatakot kita, ako’y nagaalala lamang.

Kaya ang payo ko sa iyo, magpatingin ka na sa iyong lokal na duktor kung hindi mo pa ginawa ito. Siguro kailangan mo na rin magpa-chest x-ray. Itigil mo na rin ang sigarilyo kung ikaw man ay naninigarilyo.

Buti pa kanta na lang tayo:

Hanggang sa dulo ng mundo,

Hanggang maubos ang ubo,

Hanggang gumulong ang luha,

Hanggang mahulog ang tala.

(*photo from the web)

 


Wasak!

$
0
0

Sa isang luxury car show, may mga tao mula sa iba’t ibang lahi ang nagkausap-usap. Habang tinitignan nila ang mga magagarang kotseng naka-display sa show, ay nagsimula silang magbidahan.

Taga-Europa: “Doon sa Europa, ang mga luxury cars, gaya ng Mercedes Benz at BMW ay hindi lang para sa mayayaman. Ordinaryo lang na pinanghaharabas at pinampapasada namin ang mga iyan bilang mga taxi.”

Amerikano: “Naku, walang-wala iyan sa Amerika. Doon sa amin, ang mga mamahaling kotse tulad ng Mercedes, BMW at Corvette, ay binabale-wala at linalaspag lang. Walang patumangga pa naming binabangga at pinapasabog ang mga ito sa mga pelikula.”

Pilipino: “Nakow, taghirap naman pala sa bansa ninyo. Walang panama iyan sa Pilipinas. Doon sa amin, ang mga bagong-bagong luxury cars gaya ng Jaguar, Mercedes, BMW at Corvette ay hindi ginagamit o sinasakyan! Pinayuyupi lang ng aming Presidente para ang bakal ay gawing tansan!”

Wasak!

48EC688E00000578-5357389-image-a-34_1517919085033

(*photo from dailymail.co.uk)

Fevered Musing

$
0
0

I called in sick. I have not done that a lot. In fact, this is the first time I did it. Many times, I just grit my teeth and willed myself to work, even if I felt like I was ran over by a truck.

I have this notion that doctors should not get sick. For who will take care of the patients? But am I really be of help or be more of harm if I go to work, while I myself is sick? After much deliberation, and after foregoing the feeling of guilt, I made the call.

Don’t get me wrong, I am no superhuman. In fact, I get sick more often than my wife. She chided that I am built poorly and of cheap quality materials. During my childhood days in Manila, we call our classmates who get sick easily “Made in Taiwan.” We pride ourselves to be “Made in Japan” or “Made in USA” if we’re the only ones left standing. Nothing against products from Taiwan. Accept it or not, we Filipinos sometimes can be racist. I am sure being made in Taiwan nowadays does not have that connotation.

I am trying so hard not to get sick. I exercise regularly, and I try to eat healthy, and I even got my flu shot. But I still got sick. Being a physician, when you’re dealing with ill patients all day, and they are coughing in your face, it’s just a matter of time that you’ll get it too. Plus we are in the middle of the flu epidemic and it is particularly bad this season.

I am in bed for 2 days straight now. I know, that in itself can make my head hurt. I am popping Advil every 4 to 6 hours round the clock, just to get relief from the fever and the body aches, even though I don’t like taking medicine.

I isolated myself in our bedroom, as I asked my wife to sleep in another room, so she’ll not get what I have. This is not the time for ‘sharing.’ I also put on a mask whenever I go out of the room, and ate separately away from the table.

I was having chills and fever when my thoughts wandered into the times in the past, when I was also sick in bed.

I was in our home in Manila, with high fever. I was still so young, that I don’t go to school yet. My body was full of red spots that were very itchy, and I’m trying my best not to expose them. (Bawal daw mahanginan.) I believe I got the measles. My mom would continuously put a wet towel in my head to try to lower my temperature. But despite of that, I was to the point of hallucinating, that my mother said I was seeing things that were not there.

Then there was the time I was in Kindergarten, when I again had a fever, and one side of my face swelled up. I looked like a squirrel that has an acorn in one of its cheek. I had the mumps. My folks painted a bluish gooey something on my face. It is a concoction of clay, blue dye and vinegar, which was a popular folklore remedy for mumps in the Philippines. My classmates in Kindergarten stopped by our house to visit me, and they saw me with my painted blue puffed-up cheeks.

I know, I know, you may be asking, why did I get both the measles and mumps when I was a child. Why was I not vaccinated? Were my parents against vaccination? Not really. I was just born before the era when MMR (Measles, Mumps and Rubella) vaccine became available worldwide. It was later offered in our school when I was older, I think I was in Grade 2 or 3. My classmates and I lined up and I received those injections despite my silent protestation as I was scared of needles.

There were several other times that I was sick as a child with colds, and my mother would put Vicks Vaporub in my chest and back. Even in my nose, when my nose was clogged up and could not breathe. She would also put Vicks Vaporub in my feet and then put socks on me, telling me that will help my fever. For many Filipinos, Vicks Vaporub and White Flower ointment were a cure-all treatment for any ailment. To this day, I hate the smell of them.

Now that I have the MD degree after my name, I know that the blue paint on my cheek and the Vicks Vaporub on my feet perhaps caused nothing to help my sickness. But perhaps just the fact that I am loved and my parents were showing they care, the best that they know how, was enough to make me feel better. And that eventually healed me of my illness.

Many times, showing people that we care for them, is enough to relieve them of their malady. I know I have plenty of that in my home as a child, and in my home now. Even when I feel terrible with this illness, I know that I am being attended to, not necessarily by a medical team, but more importantly by people who really cared for me. In fact, I still have the cup of salabat on my night lamp stand that my wife brought me this morning, and I could already smell the sinigang that she is cooking.

I was having chills when I glanced outside the window.  Snow is now falling softly. I am not going anywhere. More reason to snuggle under the covers the whole day.

IMG_6308

(*These thoughts were concocted 3 weeks ago. I think I got influenza, and I was house-bound for 5 days. Photo taken with an iPhone.)

 

 

Ang Lola Kong Adik

$
0
0

(Addict: a person who is addicted to an activity, habit or substance.)

Sang-ayon sa mga balita, marami raw adik sa atin sa Pilipinas. Pero nababawasan na raw ito dahil sa takot kay Duterte. Noong ako’y bata pa, kapag kami ay lumuluwas sa probinsiya, ay mayroon akong natutunghayan na kakaibang adiksiyon.

Sa bahay ng aking lola sa Norzagaray Bulacan, ay nakatira rin ang isang tiyahin ng aking tatay. Maaaring sabihin na kasama siya sa mga kumukunsumo ng adiksiyong ito. Hindi ko na sasabihin ang tunay niyang pangalan, at tawagin na lang natin siyang Nana Pula.

Aking pinapanood si Nana Pula na uupo na lang sa sahig sa isang sulok ng bahay. Tapos ilalabas na niya ang mga nakasupot niyang paraphernalia. Dito mag-uumpisa na siyang mag-gayat. Magdidikdik. At magbabalot.

Pero bago ninyo isipin na shabu o crystal meth ang kanyang dinidikdik, o kaya’y marijuana ang kanyang binibilot, ay hindi ito gayon. Ang kanyang ginagayat, dinidikdik at binibilot ay nga-nga.

Siguro alam ninyo kung ano ang nga-nga (betel quid). Sa mga nakababatang Pilipino na maaring hindi na pamilyar sa sinaunang bisyo na ito, ang nga-nga ay nginunguya. Hindi ito sinisinghot o hinihithit.

Ang nga-nga ay ang combinasyon ng: ikmo (betel leaf), bunga (areca palm nut), at apog (slaked lime). Gagayatin ang bunga, tapos papahiran ng apog, at ibabalot sa ikmo. Minsan dinadagdagan pa ng dahon ng tabako, para mas matindi ang tama.

NgaNgaLeavesLime

nga-nga (image from the web)

Matapos bilutin ni Nana Pula ang kanyang nga-nga, ito ay kanya nang isusubo at nguguyain. Habang nakasalampak, ngumangata at sumisipsip ng katas ng nga-nga, ay paminsan-minsan siyang dudura ng mala-dugong laway sa siwang ng sahig na kawayan. Para siyang kambing na ngunguya-nguya, pero kontento sa kanyang buhay. At pag-ngumiti si Nana Pula? Pula ang kanyang bibig at mga ngipin! Kaya nga Nana Pula.

Meron din kaming ninuno sa Bulakan na ang tawag sa kanya ay Tatang Puti. Pero hindi dahil sa puting ngipin, kun’di dahil siya ay tunay na maputi. Siya ay meztiso at dugong Kastila. Tunay naman na may lahing meztisuhin ang aking angkan. Pero hindi ako kasama sa mga mapuputi, dahil nakuha ko ang kulay ko sa aking nanay na dugong Ilokano. Teka, naligaw na yata ang usapan.

Balik tayo sa nga-nga. Ang tradisyon na ito ay matagal nang umiiral sa Pilipinas, bago pa man tayo sakupin ng Kastila. Nabanggit ito ni Jose Rizal sa kanyang nobelang Noli Me Tangere, kung saan sa unang kapitulo ay sinaad niyang inalok ito ni Kapitan Tiago sa kanyang mga bisita. Sa kapanahunan noon, hindi Skyflakes at softdrinks ang inihahain sa bisita, kun’di nga-nga!

Ang kustombre ng pagnguya ng nga-nga o betel quid ay hindi lang sa Pilipinas. Maraming bansa sa South at Southeast Asia, at sa kalawig na mga isla sa Pacifica ay kilala ang sinaunang tradisyong ito. Sabi ng World Health Organization, maaaring may 600 milyong tao ngayon ang haling sa bisyong ito.

Ang pag-nguya ng betel nut ay ipinamana sa atin ng ating mga ninuno. Sa katunayan, sang-ayon sa mga archaeologist, may nahukay silang bungo ng tao na may apat na libong taon ang tanda, at ang ngipin nito ay may bakas ng elemento ng betel nut. Ganoong katagal na ang nga-nga!

Gaya ng sigarilyo at iba pang bisyo, bakit kaya nakaka-adik ang nga-nga?

Ang bunga o “betel” nut, ay mula sa areca palm (scientific name: Areca catechu). Ito ay may natural alkaloid, na ang tawag ay arecoline. Ang arecoline ay mild stimulant. Kaya ito’y nakapagbibigay ng energy boost at feeling of euphoria. Sa madaling salita, nakaka-high! Kaya kapag ngumunguya na sila tatang at nanang, ay sumasaya sila at para na silang lumulutang. Tripping na si lola!

Ngunit parang nicotine mula sa dahon ng halaman ng tabako (scientific name: Nicotiana tabacum), ang arecoline mula sa areca palm nut ay nakaka-adik din. Kaya bago pa naging palahithit ng tabako, o bago pa magsipagbilot ng marijuana, ay ngumangata na ng nga-nga ang Pilipino. Lahi nga kaya tayo ng mga adik?

Maliban sa nakaka-adik ang nga-nga, may iba pa bang masamang epekto ito?

Sang-ayon sa mga pag-aaral, ang nga-nga ay maaring maging sanhi ng kanser sa bibig. Iyong ibang matatanda sa atin, nag-nganganga na, nagtatabako pa, tapos nasa loob pa ng bibig ang sindi ng tabako, kaya’t mataas ang insidente nila ng kanser sa bibig.

Dahil laging ngumunguya ang kumukunsumo ng nga-nga, ito ay maari ring magdulot ng oral submucous fibrosis. Ang kondisyong ito ay sanhi ng “stiffness in the mouth and eventually the loss of jaw movement.”*

Isa sa pinakamalinaw na sanhi ng nga-nga ay ang pamumula ng bibig at ngipin. Para silang nagpahid ng sangkatutak na lipstick, pero kasama pati ipin! Maari rin itong sanhi ng tooth decay, gum disease at bad breath.

Kaya noon pa man, kapag nag-nganga-nga na si Nana Pula, umiiiwas na akong pahalik sa kanya, dahil baka mag-amoy nga-nga at apog ako. Pero nagmamano pa rin naman ako kay Nana Pula.

Subalit kahit may kakaibang adiksiyon si Nana Pula, ay mapayapang mamamayan naman siya. Mapagmahal din siya sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan. Maaring sabihin na adik siya sa pagmamahal sa kanyang mga pamangkin at apo, kasama na ako, kahit gaano pa ako kakulit noon.

Isang araw, matahimik na pumikit si Nana Pula, lumutang at pumailanglang sa walang hanggang kawalan. Wala sa aming nakababatang pamilya ang pumulot ng kanyang bisyo, kaya’t ito’y naglaho na rin sa pagpanaw ni Nana Pula.

(*from Journal of the American Dental Association)

Chasing Phantom Fishball

$
0
0

Yesterday our temperature here in Iowa finally wandered above 50º F. Considering that we had snow last weekend, and even had some flurries the day before with subfreezing temperature, we’re just excited that finally spring has sprung.

I was able to come home early with the sun still way up in the horizon, so I decided to go for a run outside.

I wore my brand new cool running shoes that I bought as a birthday gift for myself. I also planned to wear my new colorful running shorts and nifty running shirt that my wife got me for my birthday, but I found out they were still in the laundry. You see, like a child I need all the enticements to keep me motivated in running.

I’m proud to say that I finished my first outdoor 5-kilometer run for this year. Though I would not deny that I was a little out of condition and I struggled to complete the run.

While I was doing my run and I was on my 4th kilometer navigating through our neighborhood, I suddenly caught a whiff of a very familiar scent. I took a deep breath and inhaled it in to confirm. It was the unmistakably glorious smell of fishballs being fried in a lake of oil on a deep frying pan.

Instantly, I was transported back to my days in Manila, as if I entered a Twilight Zone. I felt I was in Forbes Avenue (now Arsenio Lacson Avenue) in front of the UST Hospital. I could almost hear the jeepneys and buses plying that route. Most afternoons, there was a fishball vendor there with his push-stall near the entrance of the hospital.

It does not matter if health experts say that it may not be “safe” to eat street foods, like fishballs, as you can get hepatitis A and some other illness, especially if you dip the fishballs in those jars of sauces. The reason is that some people do “double dip,” that is after taking a mouthful bite of their fishballs on the stick, they would dip it again in the sauce, and that’s how a disease is spread. Could it be the tincture of slobber that makes it more tasteful?

But my courageous friends and I don’t care what the experts say.

After an exhausting day in the hospital working as medical clerks (4th year medical students), we would trek down outside the hospital in our white uniform and all, and buy those delightful fishballs. While they were still hot and floating in oil, we would make “tusok-tusok” the fishballs with the stick, then dunk them in the different dipping sauces. My favorite one was the black spicy concoction with floating onions and siling labuyo. Sometimes I would also dip in the tangy sweetish brown sauce. Sometimes I would dip in all the three jars of sauce. But I swear, I don’t do double dip.

Interesting enough, during our 25th graduation anniversary meeting and reunion held in our medical school two years ago, they served fishballs on a stick during one of the breaks. They have the authentic taste like the ones peddled on the street. It was definitely a hit!

As I reached the end of the cul-de-sac, I came back to the realization that I was on a street in Iowa, and not in Manila. I looked around to search if there’s a fishball vendor around. But there was none. Just the leafless trees, brown grass, and the empty street that I was in.

IMG_6395

Was I hallucinating? Was it because I was huffing and puffing that my brain was oxygen deprived? Or was it because I was hungry and my blood sugar level was running low? Has my brand new running shoes have anything to do with it? Or maybe I was plainly home-sick again?

Fishball, o fishball, why are you haunting me?

(*photo taken during my run)

Abangers: Infinity Wait

$
0
0

Ilang araw na lang ay lalabas na ang bagong pelikula ng mga paborito nating superheroes, ang “Avengers: Infinity War.” Ito ay isa sa pinakamalaking production ng Marvel Studios at pagsasama-sama ng pinakamaraming superheroes.  Ang movie genre tungkol sa mga superheroes, ay isa sa mga pelikulang kinagigiliwan ng madla at malakas tumabo sa takilya.

Pero ibang superheroes ang gusto kong talakayin ngayon. Ito ay ang mga Abangers. Mga taong nag-aabang.

Hindi ko tinutukoy ‘yung mga tambay sa kanto. Oo nga’t nag-aabang din sila, pero hindi ko lang alam kung ano nga ba ang inaabangan nila. Siguro, Pasko?

Hindi ko rin tinutukoy ang mga pasaherong tinitiis ang pagod, gutom, init, at pakikipag-siksikan habang nag-aabang ng masasakyan. Tunay naman na umaabot ng siyam-siyam makarating lamang sa paroroonan. Sa ibang pagkakataon ko na lang tatalakayin ‘yon.

Ang aking tinutukoy ay ang mga nag-aabang sa pag-ibig na hindi nila maangkin. Sa simpleng salita, ‘yung mga nagmamahal ng taong may girlfriend o boyfriend na. O mas masaklap pa, nagmamahal ng may asawa na. Sila ay nag-aabang na magkahiwalayan ang sinisinta nila, para sila naman ang makaentra.

Maraming mga kanta akong kinagisnan noon na nagsasaysay ng ganitong sintimyento. Ito ang isa: Hanggang Sa Dulo ng Walang Hanggan.

Ang orihinal na umawit nito ay si Basil Valdez, at ni-remake naman nila Gary Valenciano at Sarah Geronimo.

At kung sadyang s’ya na ang ‘yong mahal,
Asahan mong ako’y di hahadlang,
Habang ikaw ay maligaya ako’y maghihintay,
Maging hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Ayan ang tunay na Abanger! “Abanger: Infinity Wait.”

Heto pa ang isa, awit naman ni Martin Nievera, “Ikaw ang Lahat sa Akin.” May cover din nito si Regine Velasquez.

At kung hindi ngayon ang panahon,
Upang ikaw ay mahalin,
Bukas na walang hanggan,
Doo’y maghihintay pa rin.

Meron pang isang kanta, ang awit ni Andy. Andy ba kamo? “Andy ‘to ako, umiibig sa ‘yo.” Huh?

Ah, eh si Ogie Alcasid pala ang kumanta nito. At my version din si Leah Salonga.

Nandito ako umiibig sa iyo,
Kahit na nagdurugo ang puso,
Kung sakaling iwanan ka niya,
Huwag kang mag-alala,
May nagmamahal sa iyo,
Nandito ako.

Ilan lang ‘yan sa mga theme songs ng mga Abangers. Sila ay mga superhero, di ba? Hero, bayani, as in martyr! Pwedeng-pwede na silang barilin sa Luneta.

Maaring iyong tatanungin, masama bang maging Abanger?

Unang-una, mahirap maging Abanger. Lagi ka na lang nagtatago sa dilim, naghihintay sa pagkakataon na lumabas sa liwanag. Laging patago ang iyong diskarte, at baka ka mahuli ng tunay na nagmamay-ari. Sabi nga ng lumang kanta ng Apo Hiking Society:

Mahirap talagang magmahal ng syota ng iba,
Hindi mo mabisita kahit okey sa kanya,
Mahirap oh mahirap talaga,
Maghanap ka na lang kaya ng iba…..

I-dial mo ang number sa telepono,
Huwag mong ibibigay ang tunay na pangalan mo,
Pag nakausap mo siya sasabihin sa’yo,
Tumawag ka mamaya nanditong syota ko.

Pero marahil ikakatwiran natin, kung tunay ang pagmamahal natin, ito’y ipaglalaban natin kahit pa may bakod na. Bahala na kung magkabistuhan pa. At handa tayong maghintay, kahit pa sa dulo ng walang hanggan, ika nga ng kanta.

Pero dahil kaya sa pagiging Abanger ay maaring ipinipinid natin ang ating paningin at sinasarado natin ang pinto sa ibang mga pagkakataon. Sabi nga ng isang quote:

When one door closes, another opens; but we often look so long and so regretfully upon the closed door that we do not see the one which has opened for us. – Alexander Graham Bell

Minsan hindi pinto, kun’di bintana ang pinagbubuksan. Kaya’t tumalon ka na sa bintana. Jump out and move on.

Marami ang nabubulag at marami rin ang nagbubulag-bulagan dahil sa pag-ibig.

Isa pang dahilan, ilagay natin ang ating sarili sa sapatos ng boyfriend o girlfriend ng ating inaabangan. Hindi ko ibig sabihin na nakawin mo ‘yung sapatos ng boyfriend o girlfriend, pero siguro naiintindihan mo ang ibig kong sabihin. Hindi ba nakakabwisit kung may umaasungot o umaaswang sa iyong syota? Sabi nga ng Gintong Utos: Huwag mong gawin sa iba, ang ayaw mong gawin sa iyo ng iba.

Ang huling dahilan na naiisip ko kung bakit hindi magandang maging Abanger ay ito, hindi mabuti ang “One-Way Street” sa larangan ng pag-ibig. Hindi ito malusog na relasyon. O hindi ito maituturing na tunay na relasyon.

Unrequited love is the infinite curse of a lonely heart. ― Christina Westover

Tulad ng mga naririnig mong payo ng iyong mga kaibigan, ‘Ang mga martyr, binabaril!’ Alam kong may halaga ka, kaya’t pahalagahan mo rin sana at mahalin ang iyong sarili. Natitiyak kong may tao ring magpapahalaga sa iyo.

Masakit man isipin at mas masakit pang aminin, na ako ay naging isang Abanger din noon. Oo, nag-aabang ako sa pagdaan ng magtataho sa aming kalye noon.

Pero seryoso, naging tunay akong Abanger, nanligaw at nag-abang sa babaeng may boyfriend na. Ito ay nang ako’y nasa unibersidad pa. Akala ko nga kami na. Dalawang taon din akong nagpakagago! Pero salamat at naumpog ako at namulat sa katotohanang wala akong mahihitad at hanggang sa pagiging Abanger lang pala ako.

Hindi ako nagkikimkim ng galit. Hindi ako nanghihinayang. Hindi rin ako mapait sa mga pangyayari.

Noong makailang taon lang ang nakalipas, ay dumalo ako sa aming Graduation Silver Anniversary ng aming unibersidad sa Pilipinas. Dito ay muli kong nakita ang aking dating inaabangan. Oo nga’t may kaunting kislot sa dibdib nang akin siyang makita matapos ang dalawampu’t limang taon. Pero akin ding napagtanto na pundi na at wala nang liyab ang aking damdamin para sa kanya.

Hanggang sa ngiti na lang kami at pagbati ng “Kamusta ka.” Dahil para sa akin, natagpuan ko na ang aking “forever.” At hindi lang ako isang Abanger.

IMG_2340

(*Our class section of Medicine batch ’91, who attended the reunion gala night. Photo credit to our official photographer.)

Viewing all 320 articles
Browse latest View live