Quantcast
Channel: filipino – Pinoy Transplant in Iowa
Viewing all 320 articles
Browse latest View live

Dinosaur Technology

$
0
0

Not too long ago, these things roam and rule the earth. But like dinosaurs, they are now extinct. I don’t think the millennials or the younger generation have any idea what they are.

I will give you a snapshot if you will, of my normal day employing the current technology of the time when I was still in college:

One evening, I wanted to call my classmates so we can meet up in the library before our late morning class to work on our school project. But I had to wait for our party line to hang up before I could use the phone. An hour later, I finally was able to make the call. I dialed the number (not punch in, mind you; this explain why we say “dial”) using this device:

The next day, after taking a shower, I dressed up and was heading out the door when I happened to glance at this big “box” and checked the weather forecast. The talking box said no need for an umbrella today.

On my way to the university, I boarded a jeepney plying the Balic-Balic route with loud music blaring inside. The driver was proudly playing an expensive music console system using this:

The jeepney driver probably was an ex-OFW and bought this console when he was still in Saudi. What made me think that? Because a sign in front of his jeeney says “Katas ng Saudi.”

Though I wish I had my own portable music that I could choose what songs to listen to. Then I noticed one passenger in the jeepney who was rocking to a different rhythm than that of the music we were hearing. Of course he had this:

I know it’s kind of cool, but it makes you a hot target for snatchers especially if you’re walking in the streets of Metro Manila.

After meeting up with my classmates for an hour, it was time to attend a lecture in a big hall. Our professor was using lecture aids and was projecting it on a wall using this gadget:

While our professor, who was also a practicing physician, was giving his lecture, he asked to be excused for a minute to make a call at a payphone outside the hall. He was responding to a message he got from this:

Later that day, we started writing our paper for submission. We could have gone to Dapitan or Recto and had it done for us, but we decided to do it ourselves to save money. So we worked on this:

Of course we needed duplicate copies so we had to use these:

This explains why even in our e-mails now, we call a copy to a different recipient a “carbon copy.”

After a while we had noted that the letters we were typing were getting faint. So we had to replace this:

We also had several mistakes, but we were able to correct them thanks to this:

We had to work on the presentation of our paper too. During our brainstorming we decided to make our exhibition fancy and we planned on having photos or slides. So we had to borrow this gadget for our presentation:

However we had to take photos first. Our group chipped-in some money and they handed them to me. They asked me to go to Raon near Quiapo to buy this:

And for better picture-taking, just in case the lighting is not good, I bought these as well:

We wanted to make sure that we only take good photos so not to waste any film. But can you imagine taking a photo and not seeing the picture until after a few days?

Before going home I passed by a friend’s house. I heard they just got this gadget called a “computer” that would be the future of all technologies. I even tried it and I was able to do some of our school project on it. My friend was kind enough to have me save my work and transfer it to this:

Maybe it was just an excuse for me to use their home computer. For what I really wanted to do was to play some games with my friend in their other “computer:”

The end.

*****************

Can you name all of them? Do you have an idea what they are?

If you know all of these gadgets and have used them before, then you are probably “old” like me.

(*photos from the web)


Warm Thoughts on a Cold Day

$
0
0

Last Friday, I drove to our new satellite clinic. This was the most distant one so far compared to our other outreach clinics, as it takes an hour and 40 minutes to get there from our main office. I go to an outreach clinic at least once a month.

It was a very cold day for a drive. The outside temperature was -2 degrees Fahrenheit with a wind chill factor of -20 degrees. The wind was brisk and it was blowing the snow that was already plowed to the sides of the road back into the road.

The whole surrounding was white as we had fresh snow that had fallen the past couple of days. There was also a shiny glaze on the branches of the bare trees as in addition to the snowfall, it was preceded by a freezing rain that coated everything with ice, including the roads, which layered underneath the snow. This made the travel more dangerous.

In fact one of my partners cancelled his trip to another one of our outreach clinics a day before mine, due to the snow, sleet and ice.

But on the day of my travel, though it was very cold, it was sunny. Thus I decided to press on. Besides, there were many patients that were waiting and expecting to be seen. Plus, I felt confident in my driving and in my trusty vehicle.

I felt warm though while I was cruising along the wintry rural highways of Iowa. My favorite feature of my car on a very cold day like this was the heated seats along with the reliable heater. In some countries, like in the Philippines, a car airconditioner may be a luxury to keep you cool on a hot day. But where I live now, we can survive without an AC but not without a heater. It is a necessity or we’ll freeze to death.

But there was something more that was keeping me warm besides the heater, the heated seat, and the heated steering wheel. It was the warm thoughts and happy memories of a tropical place I still call home.

Playing on my car radio was streaming music sync from my iPhone from an on-line radio station. What was the radio station I was listening to? Pagudpud Beach Resort Radio Station! (Pagudpud is a place in Ilocos Norte, Philippines with a year round temperature of 70 to 90ºF.)

photo taken few years ago in a beach resort in Ilocos Norte

I could almost hear the lapping waves as they break into the sandy shore and the rushing breeze bristling through the palm trees. A stark contrast from the view of a slew of ice and snow surrounding me. They say that you could take away the boy from the island, but could never take away the island from the boy.

It’s true, I was feeling homesick. It has been three years since I last visited my motherland. Perhaps it is time for a journey back to that very familiar place.

I know I’m not the only one missing home. Most of us, in one way or another, have wandered away and left our comfort zones in pursuit of a dream. And many times in our quest, the path we crossed was not easy, for it was uncertain and unfamiliar.

I was deep in this thought when a familiar song played on the radio:

Hawak-kamay,

Hindi kita iiwan sa paglalakbay,

Dito sa mundong walang katiyakan,

Hawak-kamay,

Di kita bibitiwan sa paglalakbay,

Sa mundo ng kawalan.

That was all I needed to hear, a reassurance that we are not alone in this journey.

I glanced at my car’s GPS. It indicated that I still have 70 miles to go, and an hour more before I reach my destination.

Well, I still have an hour to enjoy this “beach.”

(*lyrics from Hawak Kamay a song by Yeng Constantino)

Turo-turo, McDonald’s, at Jollibee

$
0
0

Namayagpag na naman ang mga commercial ng Jollibee nitong nagdaang Valentine’s. Huling-huli kasi ng Jollibee ang kiliti at sintimyento ng mga Pilipino, at siyempre pa pati na rin ang ating panlasa.

Paano ba naging pambansang tambayan ng mga Pilipino ang Jollibee?

Bago mag-bagong taon ay bumisita kami sa New York. Habang ang aming mga anak ay nag-a-iceskating sa Bryant Park sa Midtown Manhattan, ay nabanggit ng isa naming kaibigan na may bagong bukas daw na Jollibee sa lugar na iyon. Kuwento pa nila pinipilahan daw ito. Hindi lang mga Pilipino, pati mga Amerikano at ibang lahi ay nakikipila rin. Siguro curious lang sila kung bakit dinudumog ang Jollibee.

Jollibee in Manhattan (photo from New York Post)

Maraming beses din naman akong pumunta sa mga Jollibee branches dito sa Amerika. Napuntahan ko ang Jollibee sa may West Covina California. Ilang beses na rin akong kumain sa Jollibee sa Chicago. At kumain na rin ako sa Jollibee sa may Woodside New York.

Maliban dito sa Amerika nagbukas na rin ng mga branches ang Jollibee sa iba’t ibang bansa sa Asia, Middle East at Europa.

Nang maliliit pa ang aking mga anak, minsa’y nagbalik-bayan kami at nag birthday sila sa isang Jollibee branch sa may Pasay City. Natuwa naman ang aking mga anak at ang aming mga bisita sa isinagawang party. Maliban sa chicken joy at jolly spaghetti, naaliw rin sila sa pagsasayaw ng masayang bubuyog na si Jollibee.

Noong biglaan din akong umuwi ng Pilipinas, ilang taon nang nakalipas, dahil malubha ang kalagayan ng aking nanay, ay naging comfort food ko ang Jollibee. Kasi may malapit na branch mula sa ospital kung saan nakaratay ang aking nanay. O siguro miss ko lang ang lasa nito.

Hindi ako lumaki na pala-hamburger. Nang ako ay nasa high school pa (early 1980’s), hindi pa masyadong tanyag at iilan pa lamang ang Jollibee branches sa Maynila. Sa katunayan hindi namin ito tambayan dahil walang malapit sa aming eskwela.

Ang aming tambayan noon ay isang turo-turo sa tabi ng aming paaralan. Pero noong kami’y nagbalik para sa aming 25th high school graduation anniversary ay laking gulat ko na isang night club na ang nakatirik sa pwesto ng turo-turo. Ibang luto na pala ang inihahain sa lugar na iyon!

Isa pa sa tambayan ng iba naming kaklaseng pasaway noong high school ay isang esblisimyento na may pangalang “Halina.” Dito sila naglalaro. Isa itong bilyaran. Beer garden din ito. Hindi po ako tumambay doon.

Kahit nang nasa kolehiyo na ako, hindi pa rin Jollibee ang paboritong tambayan ko noon kundi isa uling turo-turo malapit sa UST. “Goodah” ang pangalan nito. Mas mura naman kasi sa turo-turo at lutong bahay pa ang putahe. Siguro mas marami pa ring mga Pilipino ang pipiliin ang turo-turo kaysa fast food, o adobo kaysa hamburger.

Ang unang branch ng Jollibee ay nagbukas noong 1978 sa Cubao. Mula noon ay isa-isa nang sumulpot na parang kabute ang mga branches nito. Kahit pumasok pa ang McDonalds sa ating bansa noong 1981, ay naging matatag pa rin ang Jollibee.

Sa pagputok ng katanyagan ng Jollibee, isama na rin natin ang McDonald’s at Wendy’s, ay nahilig nang kumain ang mga Pilipino ng hamburger at french fries. Naging westernized na ang ating panlasa. Pero iniiba pa rin naman natin ang timpla kahit na western food. Tulad ng spaghetti – ang pinoy spaghetti ay manamis-namis, na hindi tulad ng authentic Italian spaghetti na maasim-asim.

Nang ako’y napadpad na sa Amerika, ay aking natunghayan kung gaano kapalasak ang fast foods dito. Lalo na ang McDonald’s. Kahit sa mga hospital ay may mga branches ito. Sa isang hospital sa New York kung saan ako nag-training, ay may McDonald’s sa mismong floor kung saan ang cardiac cath lab. Kaya’t kung ikaw ay inatake sa puso habang kumakain ng hamburger, ay igugulong ka lang nila sa katabing cath lab.

Para sa inyong kaalaman ang McDonald’s, isang American corporation, ang pinakamalaking fast-food chain sa buong mundo. Sa katunayan lahat ng pinasukan nitong bansa ay halos patayin nito ang mga lokal na kompetisyon. Maliban sa Pilipinas, na Jollibee pa rin ang naghahari. Bakit kaya hindi kayang pataubin ng McDonald’s ang Jollibee kahit pa American hamburger ang kanilang pinaglalabanan?

Dahil kaya mas naaaliw tayo sa bubuyog kaysa sa clown (mascots)? O dahil walang panama sa chicken joy at jolly spaghetti ang kalaban? O nadadala tayo sa mga makabagbag-damdamin na mga commercials? O dahil alam natin na ang Jollibee ay katutubong produktong Pilipino kaya’t tinatangkilik natin ito kaysa sa kumpitensiya? O baka naman mas masarap lang talaga sa ating panlasa ang pagkain nito?

Ano man ang dahilan, naging pambansang tambayan na ng Pinoy ang Jollibee kaysa iba pang fast food chain o restaurant. (Wala po akong komisyon sa Jollibee sa artikulong ito,  pero kung gusto nila akong bigyan ng isang taon na supply ng chickenjoy hindi ko tatanggihan ito.)

Noong ako’y nasa kolehiyo pa, sa harap ng UST Charity Hospital sa may Forbes St. (Lacson Avenue na ngayon) ay may mga lumang bahay na ginagawang boarding houses. Isang araw nagkararoon ng sunog dito, taong 1990 yata iyon. Isa sa aking kaibigan ang nasunugan ng boarding house. Matapos matupok ang lugar na iyon, ang ipinatayong gusali ay hindi na mga bahay, kundi isang malaking McDonalds.

Bulung-bulungan ng iba, dahil hindi mapagiba ang mga lumang bahay para gawing commercial complex kaya raw ito sinunog. Hindi ko sinasabing totoo ito at wala po akong inaakusahan, at lalong hindi ko sinasabing may kinalaman ang McDonald’s o sinuman dito.

Maaring natuwa ang mga estudyante ng UST dahil may malaking McDonald’s na sa harap nito. Hindi nagtagal, isang malaking Jollibee rin ang itinayo katapat nito. Ngayon sangkatutak na fastfoods na ang nasa paligid at pati sa loob ng university. Nandoon pa kaya ang tambayan naming Goodah?

Baka sa susunod, mawala nang lubusan ang mga turo-turo at karinderya. Huwag naman sana.

Buwang

$
0
0

(This piece may be a parody, my aim though is not to ridicule those people with mental illness, but perhaps give an insight to their sad plight.)

Isip ko’y wala na sa akin,

Ako’y buwang sa ‘yong paningin,

Ako ngayo’y nag-iisa,

Sa loob ng isang selda.

Sa ilalim ng puting ilaw,

At dilaw na gown,

Nagwawala’t sumisigaw,

Sa dilaw na buwan.

Ayokong mabuhay sa hawla,

Ngunit ‘di na ako lalaya pa,

Ulirat ko ay lumayas na,

Lumipad papuntang buwan.

Sa ilalim ng puting ilaw,

At dilaw na gown,

Nagwawala’t sumisigaw,

Sa dilaw na buwan.

Itong kanta pinapaabot ko sa buwan,

Ang takbo nitong utak ko ay nasa kalawakan,

Hindi na bumabalik dito sa akin,

Walang nagmamahal,

Wala rin namang mamahalin,

Pakinggan aking iyak at damdamin,

Sa loob ng Mandaluyong na damdamin.

Sa ilalim ng puting ilaw,

At dilaw na gown,

Nagwawala’t sumisigaw,

Sa dilaw na buwan.

image from the web

(*Inspired by the song “Buwan” by Juan Karlos. This piece can also be sang to that same tune; composed at 2 AM, crazed by the moonlight.

Abangers: Endgame

$
0
0

(No spoiler alert for Avengers: Endgame movie.)

Tumabo na naman sa takilya ang pelikula na tungkol sa ating mga paboritong superheroes, ang Avengers: Endgame. Sa panahong sinusulat ko ang akdang ito ay hindi ko pa napanood ang naturang pelikula, kaya’t hindi ko pa maibibida ito sa inyo.

Pero ibang superhero ang aking tatalakayin sa post na ito. Sila ang mga superhero o nagpapakabayani na maghintay at mag-abang – ang mga Abangers. Opo tinalakay ko na sila sa post ko noon, Abangers: Infinity Wait, pero sana’y pagbigyan ninyo akong muli na pag-usapan natin sila.

Sino ba ang mga Abangers na ito? Sila ba iyong nag-aabang ng nagtitinda ng puto o balut? O iyong nag-aabang ng jeepney o bus? O kaya nama’y nag-aabang ng kinsenas o katapusan ng buwan na suweldo? O nag-aabang sa kanto ng away o kaya’y sa kalye ng tsismis? Hindi po mga ‘yan ang tinutukoy ko.

Ang mga Abangers na aking tinutukoy ay ang mga taong nag-aabang na mahalin sila ng kanilang iniibig na may mahal namang iba. Sila ang mga taong umiibig ng boyfriend o girlfriend ng iba, o mas masaklap pa asawa na ng iba. Iyan ang mga super bayaning Abangers.

Siguro may kakilala kayong Abanger? O baka ikaw ay isang Abanger din? Kaibigan, siguro kailangan mo nang mag-isip-isip at baka ikaw ay nag-aabang lang ng wala. Ika nga, naghihintay na pumiti ang uwak.

Noong ako’y bata-bata pa ay maraming kanta akong nagisnan na nagsasaad ng ganitong damdamin. Sa katunayan naging sikat ang mga kantang ito. Dahil kaya marami kasing mga tao ang nakaka-relate sa mga awit na ito?

Ito po ang isang lumang kanta. Sa aking pagkakaalala ay si Jaime Rivera ang orihinal na umawit nito, pero noong makailan lamang ay may cover din si Morrissette Amon ng kantang ito – “Mahal Naman Kita.” Sabi ng kantang ito:

Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa,
Bakit may mahal ka nang iba,
Ngunit ‘di bale na kahit mahal mo siya,
Mahal naman kita.

Heto pa ang isang lumang kanta ulit. Si Martin Nievera naman ang unang kumanta nito, pero may version din si Regine Velazquez. Ang kantang ito ay ang “Ikaw Ang Lahat Sa Akin.” Saad ng kanta:

Ikaw ang lahat sa akin, 
Kahit ika’y di ko dapat ibigin, 
Dapat ba kitang limutin, 
Pa’no mapipigil ang isang damdamin, 
Kung ang sinisigaw, 
Ikaw ang lahat sa akin. 
At kung hindi ngayon ang panahon, 
Upang ikaw ay mahalin, 
Bukas na walang hanggan, 
Doo’y maghihintay pa rin. 

Mayroon pa akong alam na kanta, sinalumang awit ulit. Isinulat at inawit ito ni Rey Valera. Pero may bago-bagong version nito si Piolo Pascual. Ano ba yan, bakit yata puro recycle na ang ating mga kanta? Ang kanta ni Rey Valera ay ang “Walang Kapalit.” Sangayon sa kanta:

At kung hindi man dumating sa ‘kin ang panahon,
Na ako ay mahalin mo rin,
Asahan mong ‘di ako magdaramdam,
Kahit ako ay nasasaktan,
Huwag mo lang ipagkait,
Na ikaw ay aking mahalin.

Pero heto ang mas matindi. Isang lumang OPM ulit na ang orihinal na kumanta ay si Basil Valdez, pero may cover din si Sarah Geronimo. Ang kanta ay ang “Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan.” Sabi ng kanta:

At kung sadyang siya lang ang ‘yong mahal, 
Asahan mong ako’y ‘di hahadlang, 
Habang ikaw ay maligaya ako’y maghihintay, 
Maging hanggang sa dulo ng walang hanggan. 

Talagang matindi ano? Maghihintay hanggang sa dulo ng walang hanggan! Subali’t maganda bang gawin iyon? Para po sa akin, ay hindi yata tama.

Ang kanta ay natatapos. Ang ubo ay nauubos. Pati nga liwanag ng bituin ay nauupos, kaya nga may black hole. Lahat ng bagay ay may katapusan. Kung ang paglalakbay ng alon sa dagat ay may dalampasigang hangganan, ang bus ay may terminal, at ang pasada ng jeepney ay may boundary, kaya ang mga biyaheng one-way na pag-ibig sana ay may hangganan din.

Kahit po sa mga Abangers, dapat may Endgame.

Noong makalawang araw ay naghalughug ako ng mga bagong OPM na mapapakinggan. Alam kong hindi na mga bago ‘yung iba, pero para sa aking pandinig, ay mga bago ito. Kahit mahigit dalawang dekada na po akong wala sa Pilipinas ay patuloy pa rin naman akong nakikinig at naaaliw sa mga awit na sariling atin.

Dito ay natuklasan ko ang dalawang “hugot” na mga kanta. Ito ay nagsasaad rin ng mga damdamin ng isang Abanger. Pero sa halip na sila ay umaasa nang umasa ng walang hanggan, o kaya’y umibig kahit na walang inaasam na kapalit, ang mga kantang ito ay nagpasyang may katapusan ang kanilang paghihintay. Ika nga Endgame na.

Ang unang kantang aking napakinggan ay kanta ng Ben and Ben. Ito ay ang “Kathang Isip.” Sabi ng kanilang kanta:

Pasensya ka na,
Sa mga kathang isip kong ito,
Wari’y dala lang ng pagmamahal sa iyo,
Ako’y gigising na,
Sa panaginip kong ito,
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo.

Heto pa ang isa. Kanta ng Muni-muni, “Sa Hindi Pagalala.” Wika ng kanta:

Kakalimutan na kita,
Siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo,
Napagisipan mo na ba, 
Dahil kakalimutan na kita,
Eto na, eto na.

Tulad ng aking nasambit na noon, ako’y naging superhero din. Ako ay minsa’y naging Abanger din noon. Pero buti na lang at ako’y nagising sa aking kathang isip at kusang nag-endgame. Dahil kahit superhero o may superpower, may panahong dapat tayong sumuko, lumayo at lumimot na.

Mga Abangers, Endgame na!

**********

Here’s the official music video of Kathang Isip:

(*photo from web, video from youtube)

Kanal, Eskinita at Sinampay

$
0
0

Kahit na bumibisita sa isang banyagang lugar, bakit kaya mga pamilyar na bagay pa rin gaya ng aking kinagisnan sa Pilipinas ang tumatawag sa aking pansin?

Noong isang araw ako’y natuwang maglakad sa tabi ng mga estero o ng malalaking kanal…….

Naglagalag at sumuot sa mga maliliit na eskinita…….

At tumanaw sa mga pinapatuyong sinampay (ngunit hindi ko naman ito sinungkit).

Pero may pagkakaiba rin naman sa bansang ito. Dahil dito, kahit sa kanal ay may mga namamangka.

Kahit na tabing-kanal ay maari palang maging romantikong lugar.

May mahuhuli kaya kaming dalag?

(*photos taken with an iPhone in Venice, Italy)

Flying the Roads of Tuscany

$
0
0

When we talk about Italy’s countryside what comes to mind are the picturesque rolling hills and bountiful vineyards of Tuscany.

And there’s no better way to tour this scenic place than the iconic Italian way – riding the Vespa or the Fiat. Well, you could do it too with a Ferrari convertible but that would cost you an arm and a leg.

During our visit to Italy we did the Tuscany Vespa Tour. (This is not a sponsored article though I would gladly accept even a free pizza if they offer.) Some of us rode the Vespa scooter while some of us rode the classic small Fiat car. I did the Vespa.

We picked up the Vespa and the Fiat from the tour’s office parking lot. After a brief tutorial, as I have not ridden a motorcycle since more than 25 years ago, I became more comfortable of riding it. I was at least confident that I would still be alive after the tour.

Then off we go!

Our first stop was at a local vineyard.

After parking our motorcycles and cars, we toured the place which includes wine tasting. I am not really into wine, but they had prepared free pasta lunch too, so I was more than happy. Plus I don’t think indulging in wine and riding a motorcycle afterwards was a good idea.

I even saw a black cat at the winery. Was it a bad omen? Should we not continue on our trip? Nah!

After the vineyard tour, we were back on the road again.

Our next stop was a quaint town. We parked our vehicles and walked around the small town. Here we tasted free samples of truffle spreads, different kinds of cheese, and balsalmic vinegar offered in the local stores. Their balsalmic vinegar tastes good that it rivals the sukang Iloco (being a half-bred Ilocano, I’m still biased for the sukang Iloco).

After hitting the road again, our last stop was an old fortress. Its medieval courtyard was transformed into shops and eateries. There were no sword-wielding knights nor jousting tournament though. The closest we had to a battle were tourists jostling to buy the ever popular Italian gelato. Of course we had some too.

Overall, it was a really fun ride. You may think that this small scooter is under power, but it is not. Yes it is not as muscular as the Harley-Davidson, but this Vespa Sprint model with its 125 cc cylinder can still fly through the Tuscan hills.

It was a swell experience to fly the Tuscan roads with the sunlight on my eyes, wind on my hair (even though I don’t have much) and bugs in my face. Wait…..what?

Actually “flying” has a double meaning here, as this includes the flying insects that may hit your face as you zoom through the hills. I must be in a state of exhilaration with my mouth wide open that one insect hit my teeth. Good thing I was able to spit it out.

Italian bug tasting? Not included in this tour.

From the roads of Tuscany,

Pinoytransplant

(*All photos taken with an iPhone. Thanks to my unofficial photographers who took some of the pictures. A shout out to JDC Private Tours, who made our tour of Italy such a pleasant experience.)

Hugot Lines sa Jeepney

$
0
0

Kung minsan ay may mandurukot sa loob ng jeepney. Mag-ingat po tayo sa kanila. Pero hindi po ‘yung mga nandudukot ang tema ko ngayon, kundi ‘yung mga humuhugot kahit na sa jeepney. Unawain na lang po natin sila.

Kung hindi ninyo maibigan, ay ipagpaumanhin na lang po sana. Wala na lang pong kokontra.

Hugot #1

Driver: Heto po ‘yung sukli nung isang Quiapo.

Pasahero: Hindi na bale mama, nasanay na po akong hindi nasusuklian.

Hugot #2

Driver: Pakiabot na nga lang po.

Pasahero: Matagal ko nang pinapaabot kuya, pero dedma pa rin. Wala pa rin marating.

Hugot #3

Driver: Saan po itong bente pesos?

Pasahero: Diyan po sa may PAG-ASA. Kahit wala naman talaga.

Hugot #4

Driver: Ilan po itong bente?

Pasahero: Isa pong pa Balik-Balik. Walang ngang kadala-dala eh. Hindi pa rin natututo.

Hugot #5

Pasahero: Manong, kulang po yung ibinigay ninyong sukli.

Driver: Kulang? Lagi na lang akong kulang! Kailan ba makokontento?

Hugot #6

Driver: Bawal po ang sabit.

Pasahero: Alam ko namang sabit lang ako eh. Hindi ko lang talagang kayang bumitaw.

Hugot #7

Driver: Saan po itong singkwenta?

Pasahero: Diyan po sa Monumento. Pero pwede rin sa Luneta. Lagi na lang kasi akong nagpapakabayani. Pwede na akong tayuan ng Monumento.

Hugot #8

Pasahero: Para na po mama.

Driver: Sandali lang po, itatabi ko lang kayo.

Pasahero: Ganyan naman talaga kuya, lagi na lang ako sa tabi.

Hugot #9

Driver: Paki-usog na lang po diyan sa kaliwa, kasya pa isa diyan.

Pasahero: Hindi bale na lang po. Kahit pagsisiksikan ko ang sarili ko, wala pa rin akong puwang sa kanya.

Hugot #10

Driver: (*sa pasaherong sumasakay) Konting bilis at kapit na lamang po. Lalarga na tayo.

Pasahero: Ang higpit na nga po ng kapit ko. Pero lagi pa rin akong laglag, kuya.

Hanggang dito na lang po, boundery na. Magkakarga lang po ng krudo….este, kape. Sige, laglagan na.

photo from here

(*blaming my jet-lag for this transient craziness)


Hugot Lines sa Sari-Sari Store

$
0
0

Heto na naman po ako, huhugot na naman. May pinaghuhugutan ba kamo? Wala naman, nabubuwang lang. Pagpaumanhin na lang po sana ulit, kung sakaling hindi ninyo maibigan.

Dumako tayo sa paborito kong dating tambayan. Ang sari-sari store ni Aleng Luring.

Hugot #1

Suki: Tao po. Pabili nga po ng paminta.

Tindera: ‘Yung buo o durog?

Suki: ‘Yung durog po ate, kagaya ng damdamin kong durog.

Hugot #2

Suki: Ale, pabili nga po ng suka.

Tindera: Anong klaseng suka?

Suki: Gusto ‘yung mabagsik at matapang. ‘Yung hindi susuko. Hindi gaya ng aking puso.

Hugot #3

Suki: Tao po. Pabili nga po ng patis.

Tindera: Isang malaking bote ba?

Suki: Hindi po. Puwede bang pinakamaliit lang. ‘Yung para sa akin lang. Ang dami kasing gustong makisawsaw.

Hugot #4

Suki: Pabili nga po ng baterya.

Tindera: Eveready o Energizer – ‘yung keep on going and going?

Suki: Puwede po bang patay na baterya. ‘Yung hindi na tatakbo. Ayaw ko nang laging iniiwan.

Hugot #5

Suki: Ale, pabili po ng sabong panlaba.

Tindera: Anong brand ng sabon?

Suki: Kahit ano po, basta huwag lang Pride. Hindi kasi iyon natatanggal, kahit ilan beses pa banlawan.

Hugot #6

Suki: Tao po. Pagbilhan nyo nga po ako ng bawang. Dalawampung ulo po ng bawang.

Tindera: Aba, marami ka yatang igigisa.

Suki: Hindi ho. Panlaban ko lang ‘yan. Dahil sa akin na nga, pero marami pa rin umaaligid at gustong umaswang.

Hugot #7

Suki: Tao po. Pabili nga po ng Band-Aid.

Tindera: Ilang Band-Aid?

Suki: Isa lang po. Ako lang naman ang nasaktan at nasugatan.

Hugot #8

Suki: Pabili nga po ng bumbilya.

Tindera: Anong klase?

Suki: ‘Yung spotlight. Para mapansin at makita niyang nandito lang naman ako.

Hugot #9

Suki: Pabili nga po ng papel.

Tindera: Anong klaseng papel.

Suki: ‘Yung graphing paper po. Kasi puro lang drawing ang mga plano niya sa amin.

Hugot #10

Suki: Tao po. Pabili nga ng bubble gum.

Tindera: Anong klase?

Suki: ‘Yung tumatagal ang tamis at hindi sa umpisa lang.

Hugot #11

Suki: Pabili nga po ng Coke.

Tindera: Litro ba?

Suki: Hindi po. ‘Yung pang solo-size po. Ako lang naman laging mag-isa.

Hugot #12

Suki: Kuya, pabili nga ng kape.

Tindero: Anong klaseng kape?

Suki: Kapeng barako kuya. ‘Yung sumisipa, na kaya akong gisingin sa katotohanan.

Hugot #13

Suki: Ale, pwede pong mag-pa load ng cellphone?

Tindera: Sige. Smart ba?

Suki: Hindi po Smart. Ang tanga-tanga ko nga eh. Hindi natututo. Globe na lang po. Pinapaikot-ikot lang naman ako.

Hugot #14

Suki: Ate, pabili nga ng toothpaste?

Tindera: Anong klaseng toothpaste?

Suki: ‘Yung Hapee. Para pag-ngumiti ako mukha akong happy. Kahit hindi naman talaga.

Hugot #15

Suki: Pabili po. Meron ba kayong Hope?

Tindera: Meron. Ilang kaha gusto mo?

Suki: Kahit isang piraso lang.

Tindera: Sandali lang ah. (*naghanap sa eskaparate……)

Tindera: (*lumipas ang ilang minuto) Ay, wala na pala. Naubos na.

Suki: Bakit ganun? Lagi na lang paasa.

Hanggang dito na lang mga suki, magsasara na po ang tindahan. Bukas na lang po ulit. Bukas na lang din pwedeng umutang.

photo from the web

(*a couple of entries are borrowed, but most are original materials)

Taste of Italy

$
0
0

Italian cuisine is one of the best among the world’s cuisine. It is one of the most popular and most copied type of food as well. And where can you find the best authentic Italian food? In Italy of course!

When we visited Italy last month, we covered most of the country, from the northern region, with cities like Milan and Venice, to the central region which is Tuscany, including the cities of Pisa and Florence, and to the southern region, in Rome and even down to the Amalfi coast.

Amalfi coast (photo taken with an iPhone)

By the way, we avail the services of JDC Private Tours when we were in Italy, that’s why we were able to visit so many places and packed so many activities in such a short period of time. I was more than happy and have only compliments of their business.

Part of our trip of course was sampling authentic Italian food. Their cuisine is known for its regional diversity, especially between the north and south of the Italian peninsula.

Overall, the Italian foods that we ate, from the ‘street’ and on-the-go food to the long sit-down fine dining with 5-course dinner, (one evening we’re treated out by a friend from Rome and we ate dinner for almost 2 hours!), and from the appetizer like bruschetta, to the dessert like tiramisu, were all very good. It was really a delightful gastronomical experience.

Here in the United States, when we talked about Italian food, we think mostly of pizza and pasta. However, many of the “Italian” food we have here are somewhat modified to cater to the American taste.

For instance, when we went to one local restaurant in Rome, there was a note in their menu that says, “we don’t serve spaghetti with meatballs, fettucini alfredo, and lasagna.” That was interesting. Perhaps that’s all the American tourists order, and to the locals those were not even really authentic Italian dishes.

To say that Italy have many kinds of pasta, is an understatement. After all it is the mecca of pasta. But one thing peculiar is all their pasta are served “al dente.” Meaning it is really firm, teetering to raw, that you have to bite and chew it before you can swallow.

Leaning Tower of Pizza…….I mean Pisa

Another thing is that the Italian pizza is not served pre-sliced. They give it to you as a whole piece, fresh from the wood-burning oven, and they give a fork and a knife for you to slice it yourself. I heard that when they first introduced pizza in New York City long long time ago, somebody had the bright idea of serving it by the slice and made more money from it. Since then pizza in the US is served pre-sliced.

In one restaurant we went to in northern Italy, I was impressed on how many types of sauce or variation they have for pizza. The menu had 3 pages just for pizza! And Hawaiian pizza? That’s not even in the menu, because as you can surmise, that’s an American version of an Italian dish.

As a Filipino who grew up in Manila, I also have a different concept of an Italian dish. My favorite is the Greenwich pizza, which I understand is a Filipino brand of pizzeria. Furthermore, I used to think that spaghetti always have a sweet-tasting sauce, just like how my mother prepares it, which is close to the taste of spaghetti in Jollibee, the largest Filipino chain of fast-food restaurants.

When I migrated to America more than 20 years ago, the first time we dined in an “authentic” Italian Restaurant in New Jersey named Trattoria, I was a little surprised that the spaghetti tasted “sour.” In fact me and my wife looked at each other and said to ourselves, maybe the sauce was spoiled as it tasted different. That was an ignoramus moment for us.

Back to our tour of Italy, we landed in Milan airport and stayed in Milan for two nights. On our first day, we were so tired and jet-lagged that my son and daughter went to sleep without having dinner. But my wife and I, despite being tired, felt the hunger pangs and so we went out to eat.

view from our hotel room in Milan

Since we were in the heart of the city of Milan, there were several decent restaurants around our hotel. In fact in our hotel itself was a good ‘ristorante,’ but my wife and I wanted to explore the city. And lo and behold, just walking two blocks from where we were staying, we found what we were looking for.

We were excited as we enter the restaurant. Then we ordered our very first meal in Italy. I understand that you cannot go wrong if you order pasta in Italy, and that’s what I did. I ordered spaghetti. And when I tasted the spaghetti, it was all what I envisioned. It was good.

In case you are wondering what restaurant we went to for our first Italian dinner?

It was Jollibee!

**********

(*Jollibee opened in Milan last year, and was the first ever Jollibee branch and only one so far in Europe.)

Maynila, Ikaw Ba Yan?

$
0
0

Sa ating buhay, may mga bagay na mahirap makita. Kahit hanapin mo pa, hindi sila basta basta lalantad.

Isa na dito ang mga multo at maligno. Kahit sabihin pa nating maraming Pilipino ang naniniwala sa mga ito, hindi lahat ay nakakakita sa kanila. Sabi ng iba, kailangan mo ng pangatlong mata (third eye) para sila makita. Para sa akin, dahil hindi ako naniniwala, kaya ayoko na lang silang makita.

Isa pa sa mga hindi nagpapakita ay ang mga taong may utang sa atin. Hindi ko nga alam kung saang lupalop sila nagtatago, pero asahan mo, mahirap silang matagpuan. Buti pa minsan ‘yung multo, nagpaparamdam. Pero ang mga taong may utang sa iyo? Walang paramdam.

Siguro isama na rin natin sa mahirap makita ang mga ninong at ninang kapag panahon ng Pasko. Umeeskapo rin sila sa mga naghahanap sa kanila. Kawawang mga inaanak, nagiging maligno ang kanilang mga ninong at ninang.

Isa pa sa mahirap makita, lalo na sa mga taga Maynila, ay ang mga kalsada na sa matagal nang panahon ay nawawala. Sila ay nakukubli sa ating tanaw. Tulad ng mga kalsada sa Divisoria, Quiapo, at Sta. Cruz. Sa dami ng mga naglalako at mga paninda na nakatirik sa gitna mismo ng kalye, ay natabunan na ang kalsadang dapat sana ay daanan ng mga mamamayan.

Subalit, dahil may bagong pamunuan na ang lungsod ng Maynila, ang hindi ko akalaing makikita ay lumantad na.

Alam mo bang may maluwag palang kalsada sa Divisoria?

Divisoria district

Hindi ko maubos maisip na may kalye pala sa Carriedo?

Carriedo Street in Quiapo

At may lansangan palang lagus-lagusan sa Blumentritt?

Blumentritt Road in Sta. Cruz

Aaminin ko, hindi ko nakilala kaagad ang mga larawan ng mga lugar na ito, dahil malinis na sila sa mga illegal vendors na naglipana at nakabalagbag sa gitna ng kalsada, at wala na rin ang mga gabundok na tambak ng basura.

Saludo po ako sa bagong alkalde ng Maynila. At kahit matagal na akong wala sa siyudad na ito, dahil sa mga magagandang pagbabagong nagaganap sa lungsod na aking pinagmulan, ay lalo kong ipagyayabang na ako ay lumaki sa lungsod ng Maynila.

Sana ay maisiwalat at mailantad na rin ang mga aswang na nagtatago sa anino ng gobyerno, na sumisipsip sa kabang yaman ng bayan.

Masigasig ko pong aantabayanan at tututukan ang mga bali-balita mula sa aking bayan.

Mabuhay ang Maynila!

(*images from Philippine news outlet)

Salin-wikang Tula: A Challenge

$
0
0

Noong makaraang araw, isang Pilipina blogger, si Jolens (read post here), ang nag-post ng mga banyagang tula na kanyang isinalin sa ating sariling wika. Ika niya, ang pagsasalin-wika ay magandang pagsasanay upang mahasa ang ating husay sa lenguahe.

Siya rin ay nag-alok ng hamon (hindi po ham, challenge ang ibig kong sabihin) sa mga ibang blogger, kasama na po ako dito, na magsalin din daw ng tula sa ating wika. Aking malugod na tinanggap ang hamon na ito.

Akin pong pinili ang isang classic at tanyag na tula sa Ingles. Ito ay isinulat ni William Ernest Henley.

Invictus

Out of the night that covers me,
Black as the pit from pole to pole,
I thank whatever gods may be
For my unconquerable soul.

In the fell clutch of circumstance
I have not winced nor cried aloud.
Under the bludgeonings of chance
My head is bloody, but unbowed.

Beyond this place of wrath and tears
Looms but the Horror of the shade,
And yet the menace of the years
Finds and shall find me unafraid.

It matters not how strait the gate,
How charged with punishments the scroll,
I am the master of my fate,
I am the captain of my soul.

Heto naman po ang aking pagkakasalin sa ating wikang tinubuan, at kahit hindi man salita kada salita, ay pinilit kong mapanatili ang saloobin ng buong tula:

Invictus

Mula sa gabing sumusuklob sa akin,
Pusikit na gaya ng balong napakalalim,
Anumang mga diyos, sila’y aking pinasasalamatan,
Sa kaluluwa kong hindi magagapi kailan man.


Sa pagkakalugmok sa mahigpit na kalagayan,
Hindi ako humikbi o tumangis man,
Sa kabila ng hataw at hagupit ng kapalaran,
Ako’y taas noo pa rin kahit na sugatan.


Sa ibayo ng lupain nitong poot at luha,
Mga anino ng lagim na laging nagbabadya,
At anumang panganib ng mga taon na lumipas,
Bahid ng takot sa aki’y hindi namalas.


Gaano mang kakitid ang aking daraanan,
Hitik man ng parusa ang sa aki’y iniatang,
Ako pa rin ang panginoon ng aking kapalaran,
Sa aking buhay, ako ang Kapitan.

**********

(*Invictus means unconquered in Latin; above photo is of the Colosseum, taken during our visit to Rome)

Ebolusyon ng Wika: Tadbalik Edition

$
0
0

Limang taon na pala nang aking kathain ang artikulong “Ebolusyon ng Wika” sa blog site na ito. Marami na rin naman ang sumilip dito. Ngayon, dahil may panibagong interes sa ating katutubong wika kaya naingganyo akong isulat ang sunod na akdang ito.

Ang popularidad ng bagong Meyor o Yorme ng lungsod ng Maynila na may makulay na pananalita ang dahilan kung bakit may ibayong taginting sa ating wikang Pilipino.

Siguro naman ay nakakasakay na kayo sa mga katagang binibitiwan ni Yorme Isko Moreno. Bukang bibig niya ang mga terminong etneb (bente), posam (sampu), takwarents (kwarenta), kodli (likod), gedli (gilid), wakali (kaliwa) at nanka (kanan). Ito’y mga salitang baliktad o kaya’y tadbalik.

Dahil sa lumaki ako sa panahong nauso ang mga salitang kalyeng ito, kaya’t parang masarap muling mapakinggan ang mga katagang ito. Para bagang pagbabalik tanaw na rin sa lumipas na kahapon.

Aaminin ko, hindi po ako mahilig magsalita ng pabaliktad. Siguro dahil sa taga-Bulakan ang aking lahi, mga dugong Balagtas at makakata, kaya’t medyo “purist” o dalisay kaming mag-Tagalog. Hindi naman ibig sabihin ay nag-babalagtasan kaming magsalita sa aming tahanan.

Ngunit sa aba ko, sawing kapalaran,
Ano pang halaga ng gayong suyuan,
Kung ang sing-ibig ko’y sa katahimikan,
Ay humilig na sa ibang kandungan.
(hugot mula sa Florante at Laura ni Francisco Balagtas)

Naiintindihan ko naman po ang mga salitang pabaliktad. Lalo na kapag nasa kalye ako, kagaya nang kapag kami ay nagbabasketball sa kalsada, mariringan ko ang mga kalaro ko na nagbibigay ng direksiyon pagnaglalaro: “Sa wakali mo, sa wakali mo!”

Pero dehins ako magiging tapat kung sasabihin kong hindi ako kailan man nangusap ng salitang kalye. Dahil minsan isang panahon ay naisama rin naman sa aking bokabularyo ang mga salitang ermat, erpat, tsekot, lespu, goli at olats.

Use olats and goli in a sentence: Olats ako sa kagwapuhan ni Richard Gomez, pero tatlong goli lang ang lamang niya.

Sinasambit din naming madalas noon ang salitang tomgu (gutom) o “Tom Jones.” Example: “Pards may makakain ba tayo diyan, kasi Tom Jones na Tom Jones na ako.” Hindi ko po ikakaila, miyembro po ako noon ng isang frat – farating gutom.

Bakit ba mahilig magsalita ng pabaliktad ang mga Pilipino? Meron pa ngang libro na inilathala si Bob Ong na ang pamagat ay “Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino.” Baliktad ba talaga ang takbo ng utak nating Pilipino?

“Kung hindi mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?” (quote from Bob Ong , Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino.)

Ang pagbabaliktad ng salita sa aking pagkakatanto, ay nauso noong 1970’s, nang sumikat ang Hippie culture. Dito sumabog ang mga mapagrebeldeng ideya. Tulad nang pagpapahaba ng buhok ng mga lalaki. Pati babae, nagpapahaba rin ng buhok – sa kili-kili. Nagrerebelde sila kaya ayaw din nilang maligo. Hindi po ako nakisali doon. Siguro dahil sa pagrerebelde, kaya pati salita ay iniiba nila. O kaya nama’y gusto lang nilang gawing mas makulay ang ating wika.

Noong panahon ding iyon nauso pati mga kantang may salitang pabaliktad. Pumatok noon ang kanta ni Mike Hanopol na “Laki sa Layaw, Jeproks.” Ang Jeproks po ay baliktad ng salitang project. May kanta rin si Sampaguita na pinasikat noon, ito ay ang “Nosi Balasi” na ang ibig sabihin ay ‘sino ba sila.’

Mga ilang dekada ang lumipas, pero may mga baliktad pa rin mga pananalita. Noong 1990’s ang Eraserheads naman ay naglabas ng kantang Bogchi Hokbu – na baliktad ng Chibug Buhok. Ito po ang sample ng kanta, tignan ko kung masasakyan ninyo:

Wanga tenants ng reksli,
Toing takans na toyi,
Napha oyats ng nengmi,
Nananakirima,
Bangbangbangalalala,
Tastastasbobona,
Bogchi Hokbu.

Pero hindi po henerasyon ng mga Hippie ang pasimuno ng pagbabaliktad ng salita. Kasi, panahon pa ng Kastila ay binabaliktad na ng mga Pilipino ang salita o pangalan. Hindi kayo maniwala? Siguro naman ay kilala ninyo ang isa sa ating bayani na si Marcelo Del Pilar. Ang kanyang ginamit na pen name ay Plaridel, na galing sa Del Pilar. Petmalu si Del Pilar ano po?

Maliban sa mga salitang baliktad, meron ding mga salita sa bokabularyo ni Mayor Isko Moreno na pamilyar sa akin dahil naging bahagi rin ito ng aking wika noon at kahit hanggang ngayon. Isa rito ay ang salitang ‘tolongges.’ Nasaan na kaya ngayon ang mga tolongges kong kabarkada noon? Kung inyong aalamin, noong 1981, ay may isang pelikula si George Javier na ang pamagat ay “A Man Called Tolongges.”

Pero meron din namang mga kataga is Yorme na ngayon ko lang narinig. Ngayon ko lang nakilala is ‘Eddie’ at si ‘Patty.’ Pero ang mga ‘Spiderman,’ dati ko na silang kilala. Sa katunayan tatlong tiyuhin ko noon ay mga lineman ng Meralco, kaya galit sila sa mga Spiderman.

Hanggang dito na lang po muli. Lodi ko si Yorme, at bilib pa rin ako sa ating wika, talagang astig pa rin ito. Sana more werpa sa atin na nagsasalita ng wikang Pilipino. Mabuhay! O haymabu?

(*inilathala para sa Buwan ng Wika)

Biyaheng Langit

$
0
0

(Eksaktong limang taon ngayong araw na ito ang nakalipas nang aking ilathala ang artikulong Paglalakbay sa Alapaap. Isa lamang pong pagbabalik-tanaw……..)

Paglalakbay sa Alapaap

Alapaap.

Iyan ang aking nakita, sa pagdungaw ko sa bintana. Muli akong nasa himpapawid. Lumilipad. Naglalakbay. Pabalik sa aking lupang sinilangan.

Isip ko ay lumilipad at naglalakbay din. Ngunit hindi tulad ng eroplanong aking sinasakyan na mapayapang tumatahak sa mga alapaap, ang biyahe ng aking isip ay maligalig at matagtag.

Mula nang ako’y lumisan ng ating bansa, dalampung taon na ang nakalilipas, ay maraming beses na rin naman akong nakapagbalik-bayan. At lagi sa aking pagbabalik ay may bitbit itong galak at pananabik. Galak na muli akong tatapak sa lupang tinubuan. At pananabik na makita muli ang iniwang pamilya’t mga kaibigan.

Kahit nang ako’y umuwi noong nakaraang Nobyembre bilang isang medical volunteer para tumulong sa mga nasalanta ni Yolanda, ang naramdaman ko’y hamon na may kahalo pa ring pananabik. Pananabik na makapagbigay ng lunas at ginhawa sa mga kababayang nasakuna ng bagyo.

Ngunit kaka-iba ang pagkakataong ito ng aking pagbabalik. Walang galak. Walang panananabik. Kundi pagkabahala sa kakaibang bagyo na aming sasagupain.

May katiyakan naman ang aking patutunguhan. May katiyakan rin ang oras ng aking pagdating at paglapag sa Maynila. Ngunit hindi ko tiyak kung ano ang aking daratnan. Hindi ko rin tiyak kung gaanong kaikling panahon pa ang sa amin ay inilaan.

Pero ganyan daw talaga ang buhay. Walang katiyakan.

Hindi ko sasabihing hindi ko batid na darating din ang pagkakataong kagaya nito. Ngunit katulad ninyo, ako’y nagnanais at umaasa na sana ay malayo pa ang takipsilim. Sana ay magtagal pa ang tag-araw. Sana ay hindi pa matapos ang awit. Sana ay mahaba pa ang sayaw. Sana……..

Subalit tanggapin man natin o hindi, ang lahat ay may hangganan at may katapusan.

Maraming bagyo na rin naman ang aming pinagdaanan. At kahit gaano kalupit ang hagupit ng unos, ito ay nakakaya ring bunuin. At kahit dumadapa sa dumadaang delubyo ay muli rin namang nakakabangon.

Hindi lang bagyong kagaya ni Ondoy o Yolanda ang aking tinutukoy.

Ngunit kahit gaano pa kaitim ang mga ulap na kumumubli sa liwanag, at kahit gaano kalakas ang sigwa na yumayanig sa pagod na nating katauhan, at kahit gaano pa kahaba ang gabi, ay ating tatandaan na lagi pa ring may bukang-liwayway sa kabila ng mga alapaap.

Atin na lang ding isipin na sa ibabaw ng mga alapaap ay palaging nakangiti ang araw. Sa ibabaw ng mga alapaap ay laging mapayapa. Sa ibabaw ng mga alapaap ay walang nang bagyo. Walang nang pagkakasakit. Walang nang paghihinagpis. Walang na ring pagtangis.

Malapit nang lumapag ang aking eroplanong linululanan. Malapit na rin akong humalik muli sa inang-lupa na aking sinilangan. Muli rin akong hahalik sa mukha ng aking ina na sa akin ay nagsilang.

Sana ay magkita pa kami. Sana ay abutan ko pa siya………..bago siya maglakbay sa ibabaw ng mga alapaap.

**********

Post Note: Nagpang-abot pa kami ng aking ina. Ngunit iyon na ang aming huling pagkikita, sapagka’t dalawang buwan matapos nito, siya ay nagbiyaheng langit at pumailanglang na.

Follow the Sunflower

$
0
0

A couple of weeks ago, when we were coming home from a week-long international camporee, we happen to drove by a sunflower farm here in Iowa. We were unaware that there’s a sunflower field here. Since we were all tired from the camping, we did not go down to check it out, but promised ourselves that we’ll come back and visit it some other time.

Last Friday, after we helped our daughter get settled back to her dorm, we trekked down to the sunflower farm, which was less than an hour drive from our daughter’s university.

When we arrived at the field, we were a little disappointed, as the condition of the sunflowers has passed its peak. Summer after all, is almost ending and plus the heavy rains earlier in the week did a number on the sunflowers. In fact some of the sunflowers had already fallen to the ground.

Since the state of the farm was not that picture perfect anymore, the $3 entrance fee had been waived, and instead a box for voluntary donation at the gate was placed. It was also free to take some flowers home.

I have to say though that overall, peak or past their peak, the sunflowers were still a beauty to behold.

I noticed something peculiar as well. I always heard that sunflowers always face and follow the sun from sunrise to sunset. This phenomenon is called heliotropism. However in this field the flowerheads were actually turned away from the sun as they were facing east, though the sun was already starting to descend in the west. Why?

I asked one of the farm attendant and she told us that young sunflowers follow the sun across the sky, but when the plant mature, the stalks become stiff already so they lost their ability to turn. So the mature sunflowers face east permanently the rest of their days.

Isn’t that like people? When we were young, we were impressionable and we follow rules without questions. But when we get old, we become “stiff neck” and become pasaway (hardheaded).

Speaking of pasaway, here’s one:

watering the sunflowers

Don’t worry, I did not really “water” the sunflowers. It was all for photo effects.

For some reason while I was on this field, I had this certain Beatles song playing in my head. Maybe because I know that the sunflowers follow the sun:

One day, you’ll find
That I have gone
But tomorrow may rain, so
I’ll follow the sun
Yeah tomorrow may rain, so
I’ll follow the sun.

From the sunflower field of Iowa,

Pinoytransplant

(*photos taken with an iPhone)


Tampisaw

$
0
0

Noong isang umaga, ako’y nagising sa dagundong ng kulog at kalaskas ng bumubuhos na ulan. Balak ko sanang tumakbo noong umagang iyon pero dahil sa malakas na ulan, ako’y nagbatu-batugan at nagbabad na lang sa higaan. Utak ko nama’y nagtampisaw sa mga alaala ng nakaraang mga tag-ulan – mga alaala na matagal nang nakasampay ngunit parang basa at sariwa pa rin sa isipan.

Nagliwaliw ang aking isip noong ako’y maliit na bata pa. Gaya ng maraming bata batuta, ako’y mahilig maglaro sa ulan lalo na kapag maalinsangan. Kahit pa sabihing baka raw sipunin, o magkapulmonya, o kaya’y mapasma, ay hindi namin alintana, dahil sa musmos naming isip, masarap maligo sa ulan. Kung hindi pipigilan ay lagi kaming susugod sa ulan.

Nagbabakasyon kami palabas ng Maynila tuwing buwan ng Mayo noon. Mga dalawang linggo rin kaming lumalagi sa Ilokos Norte, ang probinsiyang pinagmulan ng aking nanay.

Isang araw habang kami ay nagbabakasyon, ay umulan nang todo-todo. Kami, kasama ko ang aking mga pinsan, ay pinayagang maligo sa ulan. Masaya kaming naghabulan sa kalsadang graba, habang umaagos ang malalaking kanal na ang tubig ay malinaw, hindi gaya ng tubig kanal ng Maynila. Dahil mala-batis ang linis ng tubig sa kanal, sinasalok pa namin ito ng tabo, tapos itataob namin ang tabo na may lamang tubig sa aming ulo, habang kami’y sumasayaw at tumatalon-talon sa ulan. Akala ninyo palaka lang ang masaya kapag umuulan?

Pinupulot din namin ang mga nalalaglag na kamachile dahil sa lakas ng hangin. Hindi na namin kailangan pa itong sungkitin. Sana nga ang mga mangga sa puno ng aking lola ay magkandahulog din, pero kailangan yata ng ipo-ipo bago ito malaglag.

Sa bahay naman namin sa Maynila, konting ulan lang ay baha na kaagad ang mga kalye, kaya sanay akong lumusong sa baha. Hindi namin iniisip ang Leptospirosis, dahil hindi ko pa naman alam kung ano iyon at hindi ko pa rin alam ang spelling nito. Noong nasa medical school na ako kesa ko pa lang natutunan ito, at sa katunayan, may naging pasyente kaming namatay dahil sa Leptospirosis. Sangayon sa history niya, siya ay bumagtas sa baha.

Nang ako’y nasa kolehiyo na, masaya pa rin ako kapag malakas na ang ulan. Hindi sa ako’y sadista at gusto ko ng bagyo, pero dahil kalimitan ay nakakansela ang pasok sa UST kapag baha na, lalo na sa Espanya. Umaabot hanggang hita o hanggang bewang pa ang baha doon.

photo credit: Michael Angelo Reyes

Minsan nang ako’y nasa medical school na, bumuhos ang malakas na ulan maghapon at hindi humumpay kaya bumaha ang buong ka-Maynilaan. Wala kaming masakyan pauwi, dahil mga pailan-ilang bus na lamang ang malakas ang loob na bumaybay sa malalim na baha. Walang rin namang pumapasadang bangka. Kaya lumusong na lang ako sa baha at naglakad mula sa UST hanggang sa amin sa may Balik-Balik. Sa awa ng Diyos nakarating naman ako nang ligtas sa aming bahay, at hindi napatianod o nalunod sa baha, at hindi rin nahulog sa mga nakabukas na imburnal. Wala naman din akong nahuling dalag.

Nang matapos ako sa Medisina, ako’y pansamantalang namasukan (moonlighting) sa isang maliit na ospital sa Plaridel Bulakan, upang makaipon nang konti habang ako’y nag re-review para sa medical licensing exam ng Amerika. Kung maipapasa ko iyon, magiging pasaporte ko siya upang makalabas ng bansa. Sa Plaridel na ako lumalagi ng mga ilang araw, at linguhan na lang akong lumuwas ng Maynila. Trabaho ako sa gabi, at konting tulog at puspusang review sa araw.

Isang okasyon, dinalaw ako ng aking nobya na galing Maynila sa aking trabaho doon sa Bulakan. Matindi ang ulan noong araw na iyon. Kahit na may dala pa siyang payong, ay basang basa siya nang dumating sa aming ospital sa Plaridel. Para siyang basang sisiw. Ako naman ay parang palakang kumakanta.

Habang siya ay nagpapatuyo, at habang kami ay nakaupo at nakadungaw sa bumubuhos na ulan, ay masaya naman kaming magkaulayaw kahit na maiksing sandali lamang ang sa ami’y inilaan. At para bagang awit ni Basil Valdez (may version din si Regine Velasquez), alam namin na kapag tumila na ang ulan ay lilisan na siya upang bumalik sa Maynila, at ako’y maiiwan na.

Pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila,
Ikaw ri’y magpapaalam na,
Maaari bang minsan pa,
Mahagkan ka’t maiduyan pa,
Sa tubig at ulan lamang ang saksi,
Minsan pa ulan bumuhos ka
Huwag nang tumigil pa,
Hatid mo ma’y bagyo
Dalangin ito ng puso kong sumasamo,
Pag-ibig ko’y umaapaw,
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa,
Tuwing umuulan at kapiling ka.

Malakas pa rin ang buhos ng ulan at tumatabing pa rin ang maiitim na ulap sa bagong silang na umaga. Pero kailangan ko nang bumangon at kailangan nang pumasok sa trabaho. Hanggang sa muli na lang ulit ang aking pagtatampisaw sa mga alaala ng kahapon.

Aking pinagmasdan ang aking katabi. Mahimbing pa rin ang kanyang pagkakatulog. Pero alam kong kahit tumila pa ang ulan, kami ay magkapiling na at hindi na namin kailangang magpaalam pa.

Magdadalampu’t limang taon na palang bumubuhos ang ulan.

(photo taken with an iPhone)

Transition: A Tribute To A Beloved Pastor

$
0
0

(I went to New York this past weekend to pay homage to a beloved Pastor who is retiring. I was one of the many who was asked to give a short tribute in the program for him. Here’s what I said:)

I met Pastor W at the time of my life that can be described in one word: transition.

In 1997, my wife and I moved to New York City to continue my medical training. Being new to this foreign place, the Filipino church became our instant support group and family. That was the beginning of my close relationship with Pastor W and his family.

The Filipino congregation, still a fellowship or company at that time, was undergoing a transition too. The leader of the core group was leaving for another state, and our arrival was not by chance but considered a Divine appointment.

During our time in New York City, the Filipino congregation moved from a small rented storage-like room to a spacious rented church. It was also during this time that the group was formally organized as a church. I am humbled to be a part of that transition and was even chosen to serve as the first First Elder of the newly formed Filipino church.

In my first hand account, I observed Pastor W as a relentless worker. Always respectful and humble, yet getting the job done. He will do whatever task is needed to be done: he’ll preach sermons, he’ll do visitations, he’ll sing with the church choir, he’ll help clean-up and be the church janitor, as well as some other odd duties outside the job-description of a church pastor. He even helped my family and me moved to a new apartment, all in the real essence of the word “bayanihan.”

After our three years in New York, I finished my training, and that was when we had to undergo a painful transition of visa status change. The transition process took several months, and I was unable to work, and yet I had a family to feed. During that time, the Filipino church adopted and partly supported us. Every church service, Ate Nelly, and some other members would hand me $20 or other amount, and would tell me, “This is for your daughter’s food and diapers.” Pastor W never failed to encourage me during that difficult time and continued to pray for my family and me.

We eventually moved out of New York City and went to California to stay with our relatives, to flee the cruel winter season of our lives. But like any winter it ended, and we were able to transition to our current status now.

I have been out of New York City for 20 years now, and even after several more transitions that I went through, there’s one thing that has not changed: Pastor W remains my Pastor and my friend. Every year on my birthday, or my wife’s birthday, we receive a greeting and a prayer from him. Every year on our wedding anniversary, he’ll do the same. And I’m sure we are not the only ones who get greetings and prayer from him on every special occasion. Because that’s who he is – a minister, a shepherd, and a faithful friend.

As he now undergoes a transition in his life, as he officially retires from the ministry, I want to sincerely thank him for his service. He definitely made an impact on so many lives, and I am among them that he forever touched.

Thank you Pastor W.

Brooklyn bridge (photo taken with an iPhone)

Old Stomping Ground

$
0
0

In my last post, I already alluded that I went back to New York last weekend. Besides attending a program in honor of a retiring beloved Pastor, this trip also gave me the opportunity to visit my old stomping ground.

When we were in New York about two decades ago, we lived in “the Hamptons.” But before you think of that exclusive and ritzy place in Long Island for the rich and famous, I don’t mean that.

This is the Hampton I meant – Hampton Street in Queens, New York.

We lived in one of these apartment complexes.

My wife and I also visited “Ihawan,” one of the several Filipino restaurants in the neighborhood where we used to frequent before. We had a hearty (as in heart-attack risk?) breakfast here.

After breakfast, we walked to the hospital where I did part of my medical training. I even went inside and check out the place. There was much changes here since the time I left.

Then we hopped on the number 7 train of the New York City Metro. This line of train is on the top of the street instead of being underground, at least in this part of town.

We rode the train and boarded off here, the Grand Central Terminal in Manhattan.

People here are always rushing, and time seems to be incessantly fleeting in this place. Except for us now, as we had time to kill and just relax.

We then walked through New York City midtown and end up in Bryant Park. We were also in this place last December where our kids went ice skating. This place looks very different in the summer as instead of an ice skating rink, there is lawn grass.

We just sat down here and did some people watching. There were even some ballet dancers practicing at the park.

Then we headed down to Time Square area as we wanted to see a “new” establishment there. We heard it opened in October of last year. Was it an earth-shaking institution or such an epic landmark that it forever altered the face of Time Square? I don’t know, you tell me.

Perhaps we were just hankering for that certain taste of home. We were greeted inside by this happy guy.

That sums up our short visit to the city. Until next time…….

From New York City,

Pinoytransplant

**********

(*all photos taken with an iPhone)

A Taste of Home

$
0
0

There are certain things that can evoke strong feelings of homesickness for Filipino expatriates like me. For some it may be witnessing the Manila sunset at Manila Bay. For others it could be the traditional Filipino foods. Maybe for some it is the “fragrant” smell of the kanal and estero (kanya-kanyang trip lang yan).

Last week, I ate some traditional Fililipino food and saw Manila sunset. Manila Sunset Grille, that is!

Manila Sunset Grille is a Filipino restaurant chain with branches mostly in California. I wish they would expand here to the Midwest. Maybe in Iowa?

I flew to California and spent a week there to assist my aunt who underwent cataract surgery. She did not really needed much assistance, except that she was unable to drive for a few days. Driving her around was not a big deal, except that her car is a stick shift sports sedan and I have not driven a stick shift for more than 20 years. But I managed.

It did not stop me either when she suggested that we go and eat at the Manila Sunset Grille even though it was quite a drive through heavy traffic and busy freeways. Stick shift and all, I was determined to go.

Below is what I ordered:

I know, lumpiang sariwa, bibingka and halo-halo may not necessarily go together, but that’s what I have not tasted for a while.

And while I was savoring these food, Jose Mari Chan’s songs were playing over head which adds more to the nostalgic feel. One particular song that stroke a chord was “Christmas in Our Hearts.”

Perhaps it was more than the traditional home food and the Manila sunset that I was really missing. And it’s definitely not the kanal and estero.

(*photos taken with an iPhone)

Tag-lagas: Isang Balik-Tanaw

$
0
0

(Nais ko po muling balikan ang isang akda na aking isinulat walong taon na ang nakalipas, inilathala Oktubre 7, 2011.)

Lumalamig na naman ang simoy ng hangin dito sa amin. Tumitingkad na rin ang mga kulay ng mga dahon at nagiging ginintuan at pula. Unti-unti rin silang nalalagas, nalalaglag at kumakalat sa lupa. Dahan-dahang namang kumukupas ang mga luntiang kulay ng damo sa aming paligid.

Lipas na naman ang tag-araw. Hindi magtatagal ay tagginaw na naman. Lilipad na naman at babalut sa kapaligiran ang puting niyebe.

Nakaupo at nakahalukipkip sa isang sulok ng aming tahanan ang aking nanay. Siya ay dumadalaw sa amin dito sa Amerika, at mahigit dalawang buwan na rin siyang namalagi dito. Ito ay pangatlong pagkakataon niyang makarating dito sa aming lugar. Ang unang dalaw niya dito, mga ilang taon na ang nakalilipas, ay sa kalagitnaan ng tag-lamig, dahil gusto raw niyang masaksihan ang niyebe. Ngunit dahil sa sumusuot sa butong ginaw ng tag-lamig dito, ay ayaw na niyang manatili at maranasang muli ang tagginaw.

Dahil na rin siguro sa kanyang edad, ay hindi na siya mahilig mag-lalabas at mamasyal. Pinipili pa niyang umupo sa isang tabi at maiwan na lamang sa loob ng aming bahay. Masaya na siya sa panonood sa kanyang mga apo, o dumungaw sa bintana at magmasid sa kapaligirang mundo na patuloy sa pag-ikot. Maaring maligaya na siya na magbalik tanaw na lamang sa mga kasaysayan ng kanyang buhay.

Lahat ay nagbabago. Walang sinisino.

Malaki na rin ang ipinagbago ng aking ina mula ng ako’y unang tumulak parito sa Amerika. Hukot na ang kanyang tindig. Mahina na ang kanyang mga kamay: mga kamay na minsang panahon ay malalakas sa pag-aaruga sa aking kabataan. Malabo na rin ang kanyang mga mata: mga matang minsa’y kay linaw sa pagbabantay noon sa aking kalikutan. Purol na rin ang kanyang pandinig: mga tengang dati-rati ay matalas na dumidinig ng aking mga iyak at tawag. Mabagal na rin ang kanyang mga hakbang: mga hakbang na noon ay mabibilis sa paghabol sa aking kamusmusan, para ako’y malayo sa panganib.

Pana-panahon lamang ang lahat, ika nga nila. Ang oras ay tumatakbo, hindi naghihintay kaninuman.

Ilang araw pa ay tutulak na muling pabalik sa Pilipinas ang aking nanay, parang ibong manglalakbay na lumilipad patungong timog upang tumakas sa nagbabadyang masungit na taglamig.

Hindi ko alam kung ilang pag-kikita at ilang pag-papaalam pa ang nalalabi sa amin. Panahon lamang ang makapagsasabi. Sana ay nakapagdulot ako ng kasiyahaan bilang isang anak sa aking ina. Ito lamang ang pinaka-matamis na ala-alang maipapabaon ko sa kanya.

Hindi magtatagal ay mauubos at mahuhulog na rin ang lahat ng dahon sa mga puno, at matitira na lamang ay mga hubad na sanga at tangkay nito. Mananatili itong pawang tigang at patay…… hanggang sa panahon ng tag-sibol at muling magsisimula ang panibagong buhay.

***********

(*Post note: Ang aking ina ay tuluyan nang namaalam tatlong taon matapos kong isulat ang akdang ito.)

(**autumn photo taken from the web)

Viewing all 320 articles
Browse latest View live